Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ice Seguerra

Dalawang bagong kanta ni Ice mula sa Being Ice album maririnig na

BACK to back hugot ang iparirinig ni Ice Seguerra simula ngayong araw, July 18 sa paglalabas niya ng dalawang bagong kanta: ‘Wag Na Lang Pala at Nandiyan Ka mula sa paparating niyang all-original album na Being Ice.

Sa kauna-unahang pagkakataon, magri-release ng full-length album na kinapapalooban ng mga awiting galing sa puso— no covers, no remake, just his own truth.

I was so afraid to release new songs—lalo na ‘yung ako mismo ang nagsulat,” pagbabahagi ni Ice.

What if people didn’t like it? I am a breadwinner, so parang kailangan ‘yung ginagawa ko, siguradong hit. But now, it feels freeing. I love doing acoustic songs pero sa ‘Being Ice,’ mas nagka-freedom ako to try new genre. Finally, kaya ko nang gawin ‘to. And for the first time, maririnig ng tao kung ano talaga ‘yung kwento ko,” wika pa ni Ice.

Ang Wag Na Lang Pala ay co-written ng asawa niyang si Liza Diño-Seguerra na nabuo mula sa isang tula. Para ito sa mga taong hindi kayang ilabas ang saloobin dahil natatakot silang masira ang pagkakaibigan. 

Para to sa mga Friendzoned. Hehe!“ dagdag ni Ice.

Samantala, ang Nandiyan Ka ay collab nila ni Jonathan Manalo, ang most-streamed Filipino songwriter at producer na may mahigit 7.9 billion streams at nasa ika-141 top global music producer. 

Ayon sa listeners, parang modern version ng Pagdating ng Panahon ang kanta subalit ngayon tungkol sa pag-ibig na nariyan lang pala… ‘di lang natin nakita.

Isang pag-ibig na ‘di masabi. Isang hindi napansin.

Ang Being Ice Album ay produced ng Fire and Ice Music at ipinamamahagi ng ABS-CBN Star Music. Ang full album ay ilalabas sa August 8, 2025.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Net Kanda Lea Salonga

Thai singer/actress napaiyak nang makita si Lea

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang maiyak ng Thai singer/ actress na si Net Kanda nang makita at …

D GRIND Presentsm D PURPOSE 2026 MANILA

D’GRIND Presents…D’ PURPOSE 2026 MANILA

MATABILni John Fontanilla MULING magkakaroon ng dance workshop at recital ang nangungunang dance group sa …

Emma Tiglao

Emma Tiglao sinabihang ‘makapal ang mukha,’ management ng resto nag-sorry

MATABILni John Fontanilla NABASTOS daw si 2025 Miss Grand International Emma Tiglao ng isang waiter na tinawag siya …

Mama Emma Janna Chu Chu

Mama Emma, Jana Chu Chu wagi sa Dangal ng Pinas 2026!

MATABILni John Fontanilla PASASALAMAT ang gustong iparating ng Barangay LSFM 97.1 DJ na si Mama Emma sa pamunuan ng Dangal …

 Joel Lamangan All About Her

Direk Joel sa pagdidirehe ni Coco—May mata siya, marunong mag-position ng camera

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISA sa magagaling na direktor si Joel Lamangan kaya naurirat namin ito ukol …