MATABIL
ni John Fontanilla
PINAGKAKAABALAHAN ngayon ni Sharon Cuneta ang paggawa ng scented candles at gusto nitong gawing negosyo.
Sa interview nito sa Beyond the Exchange ni Rico Hizon, ibinahagi ng megastar na gumagawa siya ng sarili niyang scented candles na balak na rin niyang itinda.
Tsika ni Sharon, “I think I have decided to turn it into a tiny business,” anang aktres. “It’s therapeutic for me. When I have time to make them, it’s special.”
Ginagawa ni Sharon ang mga scented candle sa kanyang condo na ang iba ay gagawin niyang panregalo sa malalapit na kaibigan para sa nalalapit na Kapaskuhan.
Plano din nitong maglabas ng dalawang klase ng packaging na ang isa ay in tin can at ang isa ay in a designer jars, na balak niyang ipamahagi sa boutiques or department stores.
Wala pang eksaktong date sa launching ng scented candles ni Sharon, pero excited na ang mga anak nito.
Pero umaasa si Sharon na bago mag-Pasko ay magigung available na ang kanyang scented candles.
“While I have the time,” nakangiting wika ng aktres. “I’m preparing for my own gift-giving this Christmas. I’m making my own gifts.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com