MATABIL
ni John Fontanilla
EXCITED ang maituturing na ring haligi ng Philippine Music Industry na si Marco Sison sa nalalapit niyang solo concert, ang Seasons of OPM sa The Theater at Solaire sa July 25, hatid ng Echo Jam Entertainment Productions at Toplex Advertising.
Espesyal na panauhin ni Marco ang Concert King Martin Nievera, Vice Ganda, Nonoy Zuniga, at Rey Valera. Ididirehe ito ni Calvin Neria.
Ayon kay Marco, “Excited ako sabi nila that’s the best feeling, ‘yung ganoon. After many years since 2003 wala naman kaming ginawang ganoon parang ‘di masyadong uso, ‘yung mga Music Museum, Teatrino ‘yan I did that. Pero ‘yung ganito ‘yung nag-invite ako ng mga kaibigan ko,, tapos nay tribute ako sa kaibigan ko sa Original Pilipino Music, para sa akin malaking bagay ito.”
At if ever na ire-revive ng ibang singers ang kanyang mga timeless hitsongs like My Love Will See You Through, Make Believe, at Si Aida, Si Lorna o Si Fe ang mga mahuhusay na musikero na sina Lani Misalucha, Christian Bautista, at Ben & Ben ang gusto niyang kumanta ng mga ito.
“Siguro if may magre-revive ng songs ko, gusto ko si Lani Misalucha para sa ‘My Love Will See You Through.’ ‘Yung ‘Make Believe’ siguro hindi siya puwedeng RNB, it has to be sing by a crooner like Christian Bautista. ‘Si Aida, Si Lorna, o Si Fe,’ hindi ko alam kung sino ang puwede na gumawa niyon. Siguro isang banda, Ben & Ben para maiba. That would be exciting kapag sila ‘yung magre-revive ng kanta na ‘yun. “
At kung mayroong isang male singer na sa tingin niya ay susunod sa kanyang yapak, walang iba kung hindi ang AOS (All Out Sunday) host at award winning singer na si Christian.
“Si Christian Bautista, kasi galing din ‘yun sa contest, tapos ‘yung mga kanta niya magtatagal, hindi siya masyadong maingay pero kilala ‘yung ganoon.
“Wala masyadong controversy, basta siya tuloy-tuloy lang, kasi naniniwala ako sa ganoon dapat consistent ka sa ginagawa mo.
“Mayroon kasing artist na gusto ng tsismis, pinagtsitsismisan siya, may isa gusto nire-recognize ‘yung talent niya,” wika ni Marco.
Kakantahin nito sa kanyang solo concert ang mga hit song ang sariling bersyon ng Raining in Manila at Pasilyo.
Kaabang-abang din ang production number nito with Vice Ganda, Martin, Nonoy, at Rey.
Kasama rin sa concert ni Marco ang mahuhusay na singers na sina Isha Ponti, Andrea Gutierrez, at David Young.
Ang ticket para sa Seasons of OPM concert ay mabibili sa Ticketworld at sa The Theatre at Solaire box office o tumawag sa 0932.4049551.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com