Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vehnee Saturno SB19 Bini

Maestro Vehnee Saturno proud sa SB 19 at Bini

MATABIL
ni John Fontanilla

OKEY lang kay Maestro Vehnee Saturno kung ang ibang mga baguhang singer ay ginagaya ang tunog sa pagkanta ng mga sikat na singer tulad ni Moira Dela Torre.

Ayon sa award winning composer at owner ng Vehnee Saturno Music, “Well hindi natin maiiwasan kasi everyone ay nag-iisip what should be the direction of type of songs na gagawin niya at ire-record.

“And she was (Moira) very lucky at tinamaan niya ‘yung tunog na ganoon and everybody especially ‘yung mga teen girl artist they want like to be Moira, ‘yung kanilang tunog.

“Ako hindi ko sila masisisi and it’s always the industry, sila ‘yung nag-a-accept ng music, na kung bakit sila rin ‘yung nagpapasikat.

So, ‘yung nakikinig, ‘yung music industry counts a lot kung sino ang gagawin nilang sikat.

“Ang good example ‘yung Bini, they started 2021 matagal na, halos susuko na ‘yung mga ‘yan because dumaan ‘yung pandemic mahirap, pero talagang kapag mayroong talent, ‘yung mayroong laman ‘yung artist, talagang tatamaan ‘yan (sisikat).

“Ako proud to say na being Filipino may katulad ng Bini at SB 19 na naka-penetrate not only here in the Philippines but in the international market,” paliwanag ng magaling na kompositor.

Dagdag pa nito, “Well, copying is not exacly copying kasi but ‘yung tinatawag na trend is hindi mo maiiwasan, pero ayoko ng exactly the same, pero siguro a flavor of something like sound something like what, it should be what you create or write another song sa artist, dapat mayroon siyang sariling identity.

“Like ‘yung kanta naming ‘My Boy ni Shane,’ wala naman kaming katulad o pinaggayahan, so ibig sabihin iniisip namin mabuti na mao-own ng artist ‘yung song na ire-record,” giit pa ni Maestro Vehnee.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …