SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
AMINADO si Rhian Ramos na super blessed ang kanyang 2025. Nariyan ang kanyang primetime series, movie na ini-release last month at mayroon pang isang pelikulang mapapanood, ang Meg & Ryan kasama si JC Santos handog ng Pocket Media Productions at idinirehe ni Catherine Camarillo.
“Oo nga very, very blessed this year. I don’t know kung bakit nangyayari sa akin ito? May primetime series, may movie akong ini-release last month, at this month uli. So I feel very, very blessed nasasabay-sabay din ang mga blessing kahit sa personal na buhay at sa career. It’s just a good time,” panimula ni Rhian nang makahuntahan namin ito.
Hindi rin mapili si Rhian, kontrabida man o bida ang role niya sa isang proyekto.
“Oo naman. Kasi ako parang hindi ko naman naka-categorize ang mga ganoong role. Parang ang feeling ko talaga, lahat ng mga role importante. Sabi nila ‘there’s no small roles, just small actors.’ Ang ganoon din ako mag-isip sa mga ibinibigay sa akin na parang kung support man or kunwari kung pang day one lang okey lang din like walang araw. Pero lahat ng ibinibigay sa akin, pinahahalagahan ko lang,” katwiran ni Rhian.
“Ganoon talaga ang pagtrabaho ko sa mga role na natatanggap ko as if mga bestfriend ko sila talagang gusto ko silang intindihin, himayin, at para ma-present ko sila sa mundo na maiintindihan din nila,” dagdag pa ng aktres.
Excited din si Rhian sa pelikula nila ni JC, ang Meg & Ryan.
“Maganda ang title, maganda ang sound track, feeling ko ‘yung pag-receive rin ng mga tao, natutuwa ako kapag naririnig ko ang mga reaction, comment sa trailer namin. I hope talaga na people do give this movie a chance kasi I can tell just because I’m was onset, I saw ‘yung amount of time na in-spent namin sa bawat scene, roon mo makikita talaga ang quality ng movie.
“Pati ang mga equipment na ginamit, hindi siya tinipid. Gusto kong makita ng mga tao at ma-appreciate nila ang story, ang acting, at artistry ng buong team,” paliwanag pa ni Rhian ukol sa kanilang pelikula.
Sa kabilang banda, nasabi ng kanilang direktor na si Rhian talaga ang bagay sa role ni Meg, isang sassy, rich lonely girl na heavy drinker at walang pakialam basta mag-enjoy lang sa buhay.
“I am so happy to hear that pero nakita n’yo naman kung paanong magdirehe si direk Cathy. Nakita n’yo kung paano siya makipag-usap at sumagot talagang passion niya ito at ganoon din siya magdirehe, very very passionate.
“So before every scene ipapa-feel niya talaga sa iyo iyong kilig, ikaw mismo habang ginagawa ko iyong eksena, kinikilig ako eh. So nadadala talaga ako sa kanya, I mean lahat gusto kong ibigay sa movie na ito, it’s a complex character. I want to give everything. Kulang na lang maghuba ako, ay ginawa ko rin pala…ha ha ha.
“Ayun nga madaala ka rin talaga sa passion ng buong production. So lahat tuloy kami, ‘di ba lahat kami gustong-gusto naming ibigay lahat-lahat,” wika pa ni Rhian.
At bagamat first time lang nilang magkatrabaho ni JC, nag-jive agad sila at kita agad ang kaning chemistry.
“Siguro he’s just really a talented actor and I know na he’s theater trained which is something na gumaganoon (tumataas) pa ang respect ko for him. But ayun nga sobrang professional, pinag-uusapan lahat as in iyong movie ginagawa niyang thesis at nag-theorize-theorize kami bago mag-shoot ng eksena. Kaya ayan tuloy iyong naiisip namin hindi lang basta aartehin, pero iintindihin natin ang bawat desisyon ng bawat character na ito.
“Nahihimay talaga namin. Ako marami akong natutunan from working with him. That’s why I really love working with people for the first time kasi lahat ng maibibigay nilang lessons itinatago ko iyon, ikino-compile ko iyon,” sabi pa ng aktres.
Sa Agosto 6 na mapapanood sa mga sinehan ang Meg & Ryan na tampok din sina Chris Villanueva, Jeff Gatmaitan, ang influencer na si Poca, at Ces Quesada.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com