Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jack Medina

OPM artist Jack Medina gagawa ng sariling pangalan, kasikatan ni Josh Cullen ‘di sasakyan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

GWAPO at magaling kumanta ang bagong discover ng Roly Halagao Casting Production, ang alternative pop artist na si Jack Medina na  kamag-anak ng sikat na sikat ngayong P-Pop group na si Josh Cullen ng SB19 at ng aktres at entrepreneur na si Aubrey Miles.

Bago ang media conference ay nagparinig muna ng dalawang awitin si Jack na original composition niya at ng ka-grupo niya sa Five Fingers, ang Aminin Mo Na at  Sapantaha. Kasama niya sa Five Fingers na alternative pop band sina Lance Fajardo, JC Vicente, at Paul Anthony Acuin.  

At dahil kamag-anak ni Jack sina Josh at Aubrey iyo agad ang inusisa namin. Napag-alaman naming second cousin niya ang P-pop idol na nalaman lang niya nang dumal sa family reunion ang nanay nito. 

“Actually hindi pa po talaga kami nagkikita, baka nga po hindi niya ako kilala, eh,” nakangiting wika ni Jak. 

“May event ‘yung family namin, tapos na-meet ko ‘yung nanay niya tapos nalaman ko na pinsan siya ni Papa. Bale ‘yung lolo ko at saka ‘yung lola ni Josh magkapatid. 

“Si Tita Aubrey naman, ‘yung lola ko po at saka ‘yung mama niya magkapatid. Si Tita Aubrey po medyo nami-meet ko naman po siya kapag may mga gathering po,” lahad ni Jack.

At bago ipaliwanag ni Jack kung paanon iya naging pinsan si Josh, humingi na agad ito ng paumanhin lalo sa fans ng SB19.

“Sorry na agad. Sorry na agad sa fans ni Josh. Pero ano lang, natanong lang din talaga ako. Sa totoo lang, hindi ko siya masyadong bini-bring up, eh. Hangga’t maaari nga, ayaw kong sabihin talaga. Natanong lang siya talaga.

“Alangan namang i-deny ko talaga, ‘di ba? At saka proud din naman talaga ako. Proud pinsan ako,” giit ng batang singer.

Vocalist si Jack ng bandang Five Fingers na nakakontrata na sa DNA Music PH ng Star Music. Hindi lamang niya nakasama ang tatlo sa ka-grupo niya dahil may mga naunang iskedyul ang mga iyon. Tutal sanay na rin naman siyang mag-perform ng solo. Pero iginiit niyang mas kampante at mas okey para sa kanya na kasama ang mga kabanda.

“Mas comfortable pa rin ako na kasama ang Five Fingers. And with the help of our manager Roly Halagao, mas lumalalim pa po ‘yung appreciation namin sa music industry,” saad pa ng singer/composer.

Natanong si Jack ukol sa gustong maka-collab at hinahangaang singer, at nabanggit nito ang pangalan ni Juan Karlos.

“Si Juan Karlos talaga. Siya rin ang gusto kong maka-collaborate. I like how he performs and writes his songs. As a songwriter, I also use passionate lyrics in my songs. 

“Hindi lang dahil gusto ko lang maglagay ng ganloon (mura sa kantang ‘Ere’) sa lyrics, pero ‘yun kasi ang totoong nararamdaman.

“Pinanonood ko talaga kung paano siya mag-perform live. Ang galing talaga. Actually, itong kinanta ko kanina na ‘Sapantaha,’ may mura talaga. Tinanggal ko lang kanina,” paliwanag pa ni Jack na gustong sundan ang footstep ng Lola Amor at Dionela.

“Dati rin po akong fan ng hip-hop. ‘Yung fliptop. Actually, hanggang ngayon ay fan pa rin po ako. Roon kasi nakagagawa ng mga rhyme. Roon din po ako nahilig magsulat. Mag-rhyme-rhyme sa mga salita po.”

Inspirasyon ni Jak ang kanyang pamilya, lalo na ang nanay niyang OFW. Kaya naman  nagsisikap siya para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang ina.

Nabanggit din ni Jack na gusto rin niyang pasukin ang pag-aartista. Katunayan, na-discover siya ni Rolly sa Facebook habang nagpo-post ng mga original composition. At ang gusto niyang unang pasukin noon ay ang pag-aartista.

High school pa lang ako umaarte na ako sa mga school activities, presentation tulad ng El Filibusterismo, Noli Me Tangere. Noong napanood niya akong mag-gig sinabihan niya akong magbuo ng banda. At hindi ko isinasara ang pintuan sa acting kung sakaling mabigyan ng pagkakataon,” sambit ni Jack na gustong makatrabaho si Andrea Brillantes at aalayan niya ito ng kantang Paraluman at siNadine Lustre.

Suportado naman si Jack ng kanyang manager sakaling gustong harapin nito ang pag-arte. “Kung magiging madali para sa kanya na pagsabayin, halos naman lahat ngayon nagagawa sa sobrang daming platform na pwedeng lagyang ng acting, singing possible naman, okey ako roon basta may opportunity,” sabi ni Roly. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …