Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Xia Vigor

Xia Vigor, aminadong awkward pa sa pagkakaroon ng ka-love team

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SIXTEEN years old na ngayon ang dating child star na si Xia Vigor at isang ganap na dalagita na siya.

Maaalalang lalong nagningning ang bituin ni Xia sa kanilang MMFF entry na “Miracle in Cell No. 7” noong 2019. Kasama niya rito sina Aga Muhlach, Joel Torre, JC Santos, John Arcilla, at iba pa. Naging number one sa box office sa nasabing December filmfest ang kanilang pelikula.

Mas aktibo na ngayon ang magandang bagets sa iba’t ibang proyekto. Matapos gumawa ng ilang pelikula, mapapanood naman siya very soon sa Kapatid series na “Para sa Isa’t Isa” na tinatampukan nina Krissha Viaje at Jerome Ponce.

Ipinahayag ni Xia na excited siya sa seryeng ito na ang ilan pa sa cast ay sina Alma Moreno, Rose Van Ginkel, Bobby Andrews, Carlene Aguilar, Charles Law, Bob Jbeili, Francis Magundayao, at Celeste Cortesi.

Kuwento ng tisay na bagets, “Isa pong romance-drama, parang ganyan po ang TV series na ito. I’m very excited for this project at sana ay magustohan ng mga tao iyong story nito.

“Medyo kakaiba para sa isang Filipino teleserye, parang may mga time travelling something na magaganap. So, sana po ay magustohan nila… and excited din po ako to explore this new role, na siyempre ay bagong-bago po sa akin.”

Ano ang role niya rito?

Tugon ni Xia, “Parang may love life po ako rito, sister ako ni Kuya Jerome. Iyon pa lang po ang na-share sa akin, during the storycon. May sarili akong buhay at iyong brother ko ay may sariling buhay din na may love life siya at ako rin po ay mayroon.

“Ito po ang first time na may role ako na may lovelife na, bale dalagita po ang role ko rito.” 

Naninibago ba siya sa transition mula sa pagiging child star, na ngayon ay isang teenager na ang role at ipinapareha kay Charles Law?

Esplika ni Xia, “I’d say, siguro po iyong pinakanahihirapan lang po ako ay doon sa love team stage. Kasi ay medyo nao-awkward pa po talaga ako. Pero, I’d just enjoy every process po and every role na ibigay sa akin along the way.

“Kasi iyong Viva po, unti-unti naman nila akong tina-transition at hindi naman iyong biglaan po.”

Ano ang payo ng kanyang mommy Christy, ngayong sumasabak na siya sa teen roles?

“Sabi lang po ni Mommy, just enjoy every process, the whole journey of the transitioning. Personally, ako po, tina-try ko pong matanggal iyong mga awkwardness ko po during sa mga shoot. Kasi, kami naman po ni Charles ay nagka-work na rin po sa Tiktok series po ng Viva.

“So iyon po, first time kong naranasan doon iyong parang may love team na.”

Nahihiya ba siya kay Charles?

“Hindi naman po sa nahihiya, kasi ay close naman po kami. Pero siguro po kasi ay naninibabago rin ako sa mga lines, sa mga dialogues po namin, na may mga sweet-sweet na… iyong mga ganoon po.”

Paano niya ide-describe si Charles? “Si Charles is a very nice friend, caring po siya and I would say, passionate.”

Paano ba nagsimula ang kanilang tandem o love team ni Charles?

“Nag-start po ito, mayroon po kasi kaming mutual friend, tapos ay nag -hangout po kami and then we made Tiktok together.

“Tapos po ay parang nag-blow-up iyong ginawa naming Tiktok, million-million views po siya. Tapos ay nakarating po ito sa Viva and then they decided to partner us up po roon po sa Tiktok series.

“Kasi during that time, since parang naging friend ko na rin po siya, I wanted to help him din build his social media. Iyon po, tulungan ko siya as a friend, na may ma-gain din po siya from me like mga followers and all that. So, roon po talaga nag-start iyon.” nakangiting kuwento pa ni Xia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …