Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
VVINK Tulala

Grupong VVINK pang-international ang dating 

MATABIL
ni John Fontanilla

FULL packaged  ang newest Ppop all female group na VVINK na alaga ng FlipMusic Productions na dalawang taon ay naging pagsasanay para maging mahusay na performer.

At sa kanilang debut showcase, media launch, at launching ng kanilang  debut single na Tulala na ginanap sa Club Hype sa Quezon City nitong Huwebes, July 10 ay napahanga kami sa galing nilang sumayaw at kumanta.

Ang VVINK ay kinabibilangan nina Angelika (leader), Jean (main vocalist), Ayaka (main rapper), Odri(main dancer), at Mariel (all-rounder) na nagmula sa iba’t ibang singing contests at talent reality competitions.

Kaya naman thankful ang members ng VVINK sa FlipMusic Productions CEO Jeli Mateo at Head Producer Jumbo “Bojam” De Belen sa pagkakataon, tiwala, at suporta sa kanilang grupo.

Bukod sa kanilang debut single ay nakatakda rin nilang ilunsad ang kanilang first album na naglalaman ng ten original songs tulad ng Kalawakan, Extra Time, Hiraya, Silakbo, NingNing, Alon, Sa Iyo Talaga, Palagi, Kidlat , at Ichigo Girl.

May kanya-kanya silang solo songs.

Katulad ng BINI at SB19 ay malaki rin ang tsansang maka-penetrate sa international music ang grupong VVINK.

Ang mga awitin ng VVINK ay available na sa Spotify at sa ibang digital streaming app worldwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …