Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa 20th Congress
CEBU REP DUKE FRASCO “DARK HORSE” SA SPEAKERSHIP RACE

071125 Hataw Frontpage

HATAW News Team

KAHIT naunang ipinahayag na walang balak tumakbo bilang Speaker ng Kamara, lumulutang pa rin ang pangalan ni Cebu Representative Duke Frasco bilang seryosong pangalan sa usapin ng susunod na lider ng House of Representatives.

“He’s not making a big deal out of it, but people are taking notice,” pahayag ng isang senior House member na tumangging magpakilala. “He has the background, the integrity, and the capacity. That’s what the House needs now more than ever,” giit nito.

SI Frasco ay itinuturing ngayon bilang isang dark horse sa Speakership race.

Sa pagpasok niya sa kanyang ikatlo at huling termino, bitbit ni Frasco ang higit 18 taon ng serbisyo publiko.

Nagsimula siya bilang alkalde ng Liloan noong 2007, naging bise alkalde noong 2016, at kalaunan ay itinalaga bilang commissioner ng Cebu Port Authority, at naging susi siya sa pagpapalakas ng proyektong Liloan Port.

Sa kasalukuyan, siya ay nasa kanyang ikatlong termino bilang Kongresista.

Sa Kamara, kilala si Frasco sa pagsusulong ng mga panukalang batas para sa edukasyon at kalusugan.

Isinulong niya ang pagtatayo ng mga bagong campus ng Cebu Technological University at Cebu Normal University, at pinangunahan ang mga inisyatibo sa pagpapatayo at pagpopondo ng mga ospital gaya ng Liloan Children’s Hospital at iba pang pasilidad pangkalusugan sa mga liblib na lugar.

Bukod sa kanyang karanasan sa gobyerno, matingkad din ang background ni Frasco sa pribadong sektor.

Lumaki at nag-aral sa Estados Unidos, nagtapos siya ng kursong Finance and Accounting at naging internal auditor sa isang multinational company —isang karanasang sinasabing mahalaga lalo sa paghahanda ng administrasyong Marcos para sa pambansang budget sa 2026.

Ang malawak na koneksiyon ni Frasco ang  bentaha niya para pag-isahin ang Mindanao at Visayas bilang lumaki sa Cebu at may lahi mula sa Misamis Oriental na wala sa kasalukuyang Speaker.

Bagamat hindi pa tahasang nag-aanunsiyo ng interes sa speakership, inilarawan si Frasco ng ilan sa mga kasamahan sa Kamara bilang “matatag, may kakayahan, at hindi mapang-away” — mga katangiang kailangan ngayon sa gitna ng krisis sa pamumuno sa mababang kapulungan.

“He’s not from the usual dynasties in Manila, and that’s exactly why many of us listen when he speaks,” dagdag ng isang mambabatas. “He gets things done quietly, and that kind of leadership has power,” paliwanag nito.

Desidido man o hindi si Frasco sa pagkandidato sa Speakership, malinaw na ang pag-usbong ng kanyang pangalan ay sumasalamin sa hangarin ng maraming mambabatas para sa bagong pamumuno — matino, epektibo, at tunay na galing sa serbisyo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …