DINAKIP ng mga tauhan ng Pasay City Police ang Chinese national na si Tony Yang, sinabing kapatid ng dating economic adviser ng Duterte administration na si Michael Yang.
Sa bisa ng warrant of arrest, inaresto si Jianxin Yang, na kilala bilang Antonio Lim y Maestrado, Antonio M. Lim, at Tony Yang dahil sa mga kasong Falsification of Public Documents, Perjury, at paglabag sa Act Regulating the Use of Aliases.
Kasalukuyan itong nakapiit sa custodial facility ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), sa Pasay City.
Sinabi ni Pasay City Police chief, P/Col. Joselito De Sesto, kinompiska ang passport ni Yang dahil sa iba pang kasong kinakaharap sa Bureau of Immigration (BI).
Itinuturing na illegal alien si Yang na namalagi sa bansa nang halos 30 taon, nakapagtayo ng 12 kompanya sa Cebu, Davao at Cagayan De Oro na kinabibilangan ng mga mall. (HNT)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com