SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
TILA Grand Finals ng PBB Celebrity Collab Edition ang naganap na announcement ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 noong Martes, July 8 sa Glorietta Mall Activity Center dahil dumagundong ang venue sa paglabas ni Big Winner Brent Manalo at mga kapwa housemate na sina Esnyr, River Joseph, at Ralph de Leon.
Hindi nga magkamayaw ang fans na nagtungo sa Glorietta kahit napakalakas ng ulan ng hapong iyon na inihayag ang unang apat na pelikulang maglalaban-laban sa pinakaaabangang MMFF sa December.
Nagsilbing host ng event sina Enchong Dee at Kaladkaren na nakadagdag-ningning sa hapong iyon.
Present din si MMFF Executive Committee at Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Don Artes, Makati Mayor Nancy Binay, at Jesse Ejercito.
Pasok sa Top four ang pelikulang Call Me Mother na magtatanpok kina Vice Ganda at Nadine Lustre. Ito ay mula sa ABS-CBN Studios at IdeaFirst Company na ididirehe ni Jun Robles Lana.
Kasama rin ang pelikulang Rekonek na pagbibidahan nina Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, Gloria Diaz, at Gerald Anderson. Si Jade Castro ang magdidirehe at handog ng Reality MM Studios.
At sa ikatlong pagkakataon, muling nakapasok ang pagbibidahan na namang pelikula ni Piolo Pascual na nagbida noong MMFF 2023 sa Mallari at The Kingdom noong MMFF 2024. Ngayong taon, pangungunahan niya ang pelikulang Manila’s Finest na ididirehe ni Rae Red mula Cignal TV.
Ikaapat na inanunsiyo ang horror movie na Shake, Rattle & Roll Evil Origins ng Regal Entertainment. Pagbibidahan ito nina Manilyn Reynes, Ivana Alawi, Fyang Smith, Richard Gutierrez, Ryan Bang, Carla Abellana, Lisa Andalio, Francine Diaz, Seth Fedelin, Ashley Ortega, Dustin Yu at marami pang iba. Ididire nina Shugo Praico, Joey de Guzman, at Gina Marissa Tagasa.TILA Grand Finals ng PBB Celebrity Collab Edition ang naganap na announcement ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 noong Martes, July 8 sa Glorietta Mall Activity Center dahil dumagundong ang venue sa paglabas ni Big Winner Brent Manalo at mga kapwa housemate na sina Esnyr, River Joseph, at Ralph de Leon.
Hindi nga magkamayaw ang fans na nagtungo sa Glorietta kahit napakalakas ng ulan ng hapong iyon na inihayag ang unang apat na pelikulang maglalaban-laban sa pinakaaabangang MMFF sa December.
Nagsilbing host ng event sina Enchong Dee at Kaladkaren na nakadagdag-ningning sa hapong iyon.
Present din si MMFF Executive Committee at Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Don Artes, Makati Mayor Nancy Binay, at Jesse Ejercito.
Pasok sa Top four ang pelikulang Call Me Mother na magtatanpok kina Vice Ganda at Nadine Lustre. Ito ay mula sa ABS-CBN Studios at IdeaFirst Company na ididirehe ni Jun Robles Lana.
Kasama rin ang pelikulang Rekonek na pagbibidahan nina Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, Gloria Diaz, at Gerald Anderson. Si Jade Castro ang magdidirehe at handog ng Reality MM Studios.
At sa ikatlong pagkakataon, muling nakapasok ang pagbibidahan na namang pelikula ni Piolo Pascual na nagbida noong MMFF 2023 sa Mallari at The Kingdom noong MMFF 2024. Ngayong taon, pangungunahan niya ang pelikulang Manila’s Finest na ididirehe ni Rae Red mula Cignal TV.
Ikaapat na inanunsiyo ang horror movie na Shake, Rattle & Roll Evil Origins ng Regal Entertainment. Pagbibidahan ito nina Manilyn Reynes, Ivana Alawi, Fyang Smith, Richard Gutierrez, Ryan Bang, Carla Abellana, Lisa Andalio, Francine Diaz, Seth Fedelin, Ashley Ortega, Dustin Yu at marami pang iba. Ididire nina Shugo Praico, Joey de Guzman, at Gina Marissa Tagasa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com