MATABIL
ni John Fontanilla
PASOK sa 11 bansa sa iTunes chart ang kantang Mapa, na may Indonesian version ang SB19 na collaboration nila sa Indonesian singer na si Aruma.
Pumasok ito sa number one iTune Charts sa mga bansang Philippines, Qatar, United Arab Emirates, habang number four naman sa Singapore at number 7 sa Hongkong at Indonesia.
Number 13 naman ito sa Norway at number 82 sa Australia, number 92 sa Taiwan, at number 109 sa New Zealand.
Hindi na nga lang local kung hindi pang-global na ang kasikatan ng SB19 na nililibot ang buong mundo sa kanilang SB19 Simula at Wakas World Tour.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com