Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sparks Camp

10 lalaki sa Sparks Camp maghahasik ng kilig

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

MAGHAHASIK muli ng kilig ang 10 lalaking kalahok sa Sparks Camp, unang queer dating reality show sa bansa. 

Level-up ang kanilang kilig sa ikatlong season mula sa pagsasama-sama ng sampung lalaki sa bundok para maghanap ng pag-ibig. Ito’y mapapanood simula Hulyo 16 (Miyerkoles) sa bago nitong tahanan sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Bukod sa inaabangang bagong grupo ng campers na maghahatid ng kilig, tampok din sa Sparks Campseason 3 ang bago nitong lokasyon sa naggagandahang mga bundok at ang nakaka-LSS na theme song na Nahuhulog na kinanta ng dating The Voice Teens PH season 1 finalist na si Chie.

Nagbabalik bilang host si ‘Mother Sparker’ Mela Habijan at ang direktor na si Theodore Boborol na kilig overload ang hatid sa programa dahil sasabak sa iba’t ibang masasayang dating games ang mga camper upang mahanap ang kani-kanilang ‘mutual spark.’ 

Matapos ipasilip sa social media ang sampung bagong camper, ngayon pa lang ay kanya-kanyang komento ang netizens sa pinupusuan nilang camper. Makikilala ang advertising executive na si Joer Reyes, content creator na si Edward Maalihan, brand strategist na si Kim Bejerano, performing artist na si Harold Espiritu, piloto na si Andrew Rabin, podcaster na si Julian Agustin, flight attendant na si Khali Empleo, graduate student na si Aaron Aberasturi, professional wrestler na si Julio Dragon Silvestre, at marketer na si Ants Pedregosa.

Handog din ng bagong season ang mas pinakilig na aminan at rebelasyon ng mga camper dahil available sa buong mundo ang special director’s cut para sa Super Kapamilya members sa ABS-CBN Entertainment YouTube at kapag nag-subscribe sa iWant.

Simula noong nag-premiere ang Sparks Camp, pumatok ito sa mga manonood sa Pilipinas pati na rin sa labas ng bansa kabilang ang USA, Canada, Middle East, at India dahil sa pagtampok ng iba’t ibang karanasan ng LGBTQIA+ community. 

Nagtala rin ito ng pinagsama-samang mahigit pitong milyong digital views sa YouTube para sa seasons 1 at 2 at nakasungkit ang programa ng nominasyon para sa Best Original Reality and/or Competition Programme sa 2024 ContentAsia Awards.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …