Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lala Sotto MTRCB

MTRCB, nakapagribyu ng 100,000 plus materyal sa unang kalahating taon ng 2025

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AABOT sa 103,652 materyales ang nabigyan ng angkop na klasipikasyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) mula Enero hanggang Hunyo 2025.

Ito’y patunay na patuloy ang pagsisikap ng Board na matiyak ang lahat ng pelikula, programa sa telebisyon, at iba pang katulad na materyales ay naaayon sa pamantayan ng MTRCB.

Sa nasabing bilang, 65,769 ay mula sa telebisyon, 36,263 TV plugs, 834 publicity materials, 490 movie trailers, 287 lokal at banyagang pelikula at 9 publicity materials.

Binigyang-diin ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio ang kahalagahan ng papel ng Board sa paglikha ng ligtas at angkop na panoorin, lalo na para sa mga bata.

“Nananatili ang aming dedikasyon na protektahan ang mga manonood sa pamamagitan ng pagbibigay ng wasto at angkop na klasipikasyon sa lahat ng pelikula at palabas sa telebisyon,” sabi ni Sotto-Antonio.

“Sa pamamagitan nito, natutulungan natin ang mga magulang na makapamili ng angkop na panoorin para sa kanilang pamilya, partikular sa mga bata.”

Pinuri rin ni Sotto-Antonio ang dedikasyon at sipag ng Board Members at kawani ng MTRCB na patuloy na ginagampanan ang kanilang tungkulin nang may integridad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …