MATABIL
ni John Fontanilla
NANUMPA na ang mga bagong-halal na opisyal ng bayan ng Tuy, Batangas noong Lunes, Hunyo 28 sa pagsisimula ng kanilang termino.
Isa sa nahalal at naging numero unong konsehal ng Tuy, Batangas ang actor/ businessman na si Roselio “Troy” Balbacal.
Laman ng speech ni Troy ang pasasalamat sa 18,360 na bomoto sa kanya at ang pagpapatuloy ng kanyang pagtulong.
“Ako po ay nagpapasalamat at talaga naman po na kulang ang salitang salamat bayan ng Tuy, sa suporta at sa tiwala na ipinagkaloob niyo sa amin, sa buong team 22.
“Noong ako po ay lumaban bilang konsehal ng bayan, sabi ko po sa sarili ko kahit pangwalo okey na po ako.
“Bayan ng Tuy, maraming- maraming salamat po at ginawa ninyo akong numero uno.
“Para po sa 18, 360 ang nagtiwala, kasama na rin po ang mga taong hindi naniwala, asahan po ninyo ang patas at pantay na pagtingin ko po sa inyo.
“Dahil tapos na po ang eleksiyon, panahon na po para mag-move on, focus na po tayo sa paggawa ng ordinansa at resolusyon at asahan po ninyo na hinding-hindi po ako magbabago.
“Dahil kahit naman noon pa po wala pa pong eleksiyon, gumagawa na po tayo ng aksiyon, ipinagkaiba lamang po ngayon, mayroon na po tayong posisyon.
“Pero kailanman ay hindi magbabago ng posisyon ang nakasanayan kong aksiyon, Asahan po ninyo bayan ng Tuy kasama ang buong team 22, maaasahan po ninyo ang responsable at tuloy-tuloy na pag-unlad ng bayan ng Tuy.
“At ‘yan po ang aming tinitiyak. Muli maraming-maraming salamat at mabuhay po kayong lahat.”
Nanalo sa 2025 local elections ang halos lahat ng kasama nito sa team 22 sa pangunguna ni Mayor Jey Cerrado, Vice Mayor Randy Afable, at mga konsehal.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com