Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

KAWASAKI NAGREKLAMO SA NLRC VS ILLEGAL STRIKE
Apela patalsikin mga opisyal ng unyon

070425 Hataw Frontpage

HATAW News Team

NAGHAIN ng reklamo ang Kawasaki Motors Philippines Corporation (KMPC) sa National Labor Relations Commission (NLRC) upang ipadeklarang ilegal ang kasalukuyang welga na inilunsad ng unyon, at hiniling ang pagpapatalsik sa mga opisyal na nanguna sa kilos-protesta.

Ang reklamo ay bunsod ng welgang sinimulan noong 21 Mayo 2025, ng mga kasapi ng Kawasaki United Labor Union (KULU) sa pamumuno ng kanilang pangulo na si Richard Balberan.

Iginiit ng KMPC na lumabag ang welga sa “No Strike, No Lockout” na probisyon ng Collective Bargaining Agreement (CBA) na pirmado ng magkabilang panig noong Mayo 2022.

Nagbabala ang Kawasaki na ang patuloy na welga ay nagdudulot ng matinding pagkaantala sa operasyon, pagkawala ng kita, at pinsala sa reputasyon, na posibleng mauwi sa pagkalugi o pagsasara ng kompanya.

Halos 1,000 manggagawa at empleyado ang apektado na karamihan ay sinabing hindi sang-ayon sa welga.

“This strike is not just illegal—it is irresponsible,” pahayag ni  Atty. John Bonifacio, External Counsel ng Kawasaki Motors Philippines. “It violates the terms of the CBA and places the jobs of over a thousand workers at serious risk. The law is clear: no strike should take place while good faith negotiations are ongoing, especially when both parties are still trying to settle economic issues,” dagdag nito.

Sa kanilang reklamo, nananawagan ang KMPC sa NLRC na ideklarang ilegal ang welga, papanagutin ang mga lider ng unyon sa unfair labor practice, at tanggalin sa serbisyo ang mga opisyal at miyembro ng board na sinadyang lumahok o nagpasimula ng kilos-protesta.

Binanggit ng kompanya ang hindi pagsunod sa “No Strike, No Lockout” policy na nakasaad sa CBA.

Pinangalanang respondents sa kaso ang mga KULU officers na sina Richard Balberan, Ricardo Opeña, Jr., Rhodora Vargas, Yllah Limosinero, Ma. Theresa Suitado, Ronaldo Almalvez, Rose Ann Verzosa, Al Jerome Salonga, Jermie Lagustan, Pepito Taruc Jr., Ferdinand San Antonio, Fernando Manguerra, at Harvey Mande Nacario.

“The irresponsible actions of a few have endangered the livelihood of many.This is not just a company issue. This is a workers’ issue. We call for accountability,” nakasaad sa reklamo.

Inulit ng Kawasaki na nananatili itong bukas sa “good faith negotiations” at nag-alok ng 5% umento sa sahod habang patuloy itong bumabangon mula sa pagkalugi dulot ng pandemya.

Gayon pa man, iginiit ng unyon ang 11.5% dagdag-sahod, na ayon sa kompanya ay hindi kayang tustusan sa kasalukuyang kalagayang pinansiyal.

Ayon sa KULU, ang 11.5% wage increase na kanilang hinihingi ay batay sa tinatayang ₱80,000 buwanang pangangailangan ng kanilang miyembro ngunit giniit ng KMPC, ang kasalukuyang suweldo ng kanilang mga empleyado ay maituturing nang mataas kung ihahambing sa mga katulad na trabaho sa industriya, dahil sa loob ng 20 taong pagtanggap ng halos 10% taunang umento sa ilalim ng mga nakaraang CBA.

“Our compensation packages are among the best in the industry for similar roles. This is the result of more than 20 years of negotiated wage improvements, which the company has honored despite economic headwinds.” giit ng kompanya.

Binanggit din ng KMPC na ito ang kauna-unahang welga sa loob ng 60 taong operasyon nito sa Filipinas — isang hindi pangkaraniwang pangyayari na sinimulan ng unyon sa ilalim ni Balberan.

Giit ng KMPC, nananatili itong nakatuon sa makatarungan, legal, at may mabuting layunin na relasyon sa paggawa, at sa pangangalaga ng interes ng buong hanay ng manggagawa.

Nasa ika 40 araw na ang isinagawang welga ng KULU sa harap ng planta ng Kawasaki sa Muntinlupa City.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …