ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
ANG Beautederm founder and CEO na si Rhea Anicoche Tan ang isa sa binigyan ng parangal sa 53rd Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.
Kinilala rito ang lady boss ng Beautederm bilang Outstanding Businesswoman Of The Year.
Si Ms. Rhea rin ang nasa likod ng matagumpay na business na BlancPro, BeautéHaus, Beauté Beanery, A-List Avenue, at AK Studios.
Bahagi rin ang masipag na CEO ng partnership sa line ng body care na Majeskin, na exclusively distributed ng Reigning Majasty Corporation. Sina Ms. Rhea, at ang husband and wife tandem nina Rambo Nunez at Maja Salvador, ang magkakasama rito.
Bukod sa pagiging successful na negosyante, si Ms. Rhea ay isang pilantropo. Marami siyang tinutulungan, kabilang na ang kanyang mga scholars na ang iba ay mga professional na ngayon.
May mga empleyado siya na binigyan niya ng bahay, kotse, trip abroad, at kung ano-ano pa bilang pagkilala sa kanilang sipag at dedikasyon sa kanyang mga kompanya. Automatic din na binibigyan ni Ms. Rhea ng scholarships ang anak ng kanyang mga empleyado.
Ang kanyang kabaitan at pagiging likas na matulungin ay kilala sa mundo ng showbiz.
Sa naturang event ay kasamang tumanggap ni Ms. Rhea ng parangal ang kanyang dalawang Beautederm babies na sina Piolo Pascual para sa Film Actor of The Year (ka-tie si Vic Sotto) at Ruru Madrid bilang Movie Supporting Actor of the Year, tabla naman sila ni Joross Gamboa.
Sa kanyang acceptance speech, nabanggit niya ang pangarap na pagtatayo ng beauty empire, ang ginagawang pag-promote sa entrepreneurship, at ang pagbibigay ng tulong sa mga may sakit at scholarships sa mga nangangailangan, sa pamamagitan ng Beautederm.
Panimula ni Ms. Rhea, “Good evening everyone, It was simply my ambition to build a beauty empire and it’s now serving its purpose. We are now assisting the elderly and the sick, most particularly the cancer patients, together with sir Coco Martin, sa ating Kasuso Foundation.
“We are also promoting entrepreneurship and Beautederm is providing scholarships in addition to the beauty standards that we set.”
Pagpapatuloy pa niya, “When they say outstanding, it just means that we make a difference and will continue to do so and that’s for the underprivileged.
“Ah, 53rd Box Office Entertainment Awards Businesswoman of the Year, maraming salamat po sa karangalang ito. Beautederm will continue to beautify lives 16 years and beyond. Magandang gabi po,” sambit pa niya.
Mababasa rin ito sa FB account ni Ms. Rhea:
“My Ambition, became my Mission, Thank you Lord , You brought wonderful people into my life, you sent your angels to protect me. You shielded me from weapons and stones thrown by others. This achievement was made possible by You. This is all for you Lord God, I lift everything up to honor you.I love you.”
Again, congrats po sa inyo Ms. Rhea at sa Beautederm.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com