MATABIL
ni John Fontanilla
BONGA ang kapuso actor na si Will Ashley dahil hindi lang pang Pilipinas ang kasikatan dahil hangang sa ibang bansa like Korea ay unti-unting nakikilala.
Katunayan, kala’t na kalat sa buong Korea ang ads nito tulad ng Jakjeon station Subway, Gyeyang statio, Bupyeong-gu office station at marami pang iba.
Simula nga nang pumasok ito sa PBB Collab ay mas lumaki na ang fan base nito na umabot sa iba’t ibang bansa.
Isa nga si Will sa sinasabing malakas ang chance na masungkit ang Big Winner sa Pinoy Big Brother Collab edition.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com