MATABIL
ni John Fontanilla
ANG mga award winning singer na sina Ice Seguerra, JM De Guzman, at Rico Blanco ang iniidolo at gustong maka-collab ng singer/composer na si Debbie Lopez.
Ayon kay Debbie , “Ang gusto kong maka-collab ay ‘yung mga idol ko na sina Rico Blanco and Ice Seguerra.
“Kasi i love Ice, gusto ko ‘yung pagiging RNB singer niya and maganda kasi ‘yung RNB pang millennials ‘yung songs.
” I also like Rico ‘yung genre niya na alternative na swabe at chill lang. Hindi ako ‘yung singer na biritera kapag kumanta ako swabe lang, ‘yun bang parang chill chill lang,” anang cosplayer din.
At ang isa pa nitong gustong maka-collab ay ang isa pang iniidolo at showbiz crush na si JM.
“Gusto ko rin maka-collab si JM, ‘di ba kumakanta rin siya bukod sa mahusay umarte?
“Ang nagustuhan ko kay JM kaya naging crush ko siya, maganda ‘yung mata at magaling umarte at kumanta, hopefully maka-collab ko siya.”
Sa ngayon ay busy si Debbie sa promotion ng kanyang Visayan song at nakatakda ring maka-collab para sa ilang awitin ang composer na si Mon del Rosario.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com