Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pabida ng Kamara
287 SOLONS SUPORTADO SI ROMUALDEZ HINDI TOTOO
Speakership nanganganib

063025 Hataw Frontpage

HATAW News Team

DUDA si dating Press Secretary at political analyst Atty. Trixie Cruz-Angeles sa ipinalalabas ng House of Representatives na 287 sa 317 mambabatas ang lumagda sa manifesto of support para manatili si Leyte Rep. Martin Romualdez bilang Speaker sa 20th Congress.

Para kay Angeles, wala itong katotohanan.

“There is no such 287,” pahayag ni Atty. Trixie sa isang panayam.

Ipinaliwanag ni Angeles na ang hindi paglagda ni Cebu Rep. Duke Frasco sa manifesto of support ay malinaw na indikasyon — may mga mambabatas na hindi na nakalinya sa liderato ni Romualdez.

Si Frasco na Deputy Speaker noong nakaraang 19th Congress ay mula sa maimpluwensiyang political figure sa Cebu City, mayroon din siyang malawak na suporta mula sa Visayas at Mindanao Bloc.

“Frasco’s refusal to sign speaks volumes. If the Speaker truly had a lock on 287 members, the absence of one name wouldn’t have sparked this much noise,” pahayag ni Angeles.

“But the moment Frasco stood his ground, it became obvious—Romualdez’s support base is no longer as solid,” dagdag niya.

Una nang ipinaliwanag ni Frasco na ang kanyang desisyon na hindi suportahan ang ikalawang speakership bid ni Romualdez ay resulta ng konsultasyon mula sa local leaders sa Visayas at Mindanao na karamihan ay desmayado na sa paraan ng pamumuno ni Romualdez.

Giit ni Angeles, mayroon nang “internal faction” sa Kamara at ang dating solidong suporta ng mga mambabatas kay Romualdez ay wala na.

“There’s a growing signs of division within the House of Representatives. There’s a growing resistance. There’s a ‘filibustero’ in the House,” paliwanag ni Angeles.

Ayon kay Angeles, taliwas sa ipinalalabas ng Kamara ay kitang-kita na hindi na ganoon kasolido ang suporta ng mga mambabatas kay Romualdez kaya naman walang kasiguruhan na siya pa rin ang mahihirang na House Speaker.

Matatandaan na dalawang araw pa lamang mula nang matapos ang May 12 election ay pinapipirma na sa isang manifesto of support ang mga incoming congressmen para sa speakership bid ni Romualdez.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

SM MSMEs Wall of Champions

SM Supermalls Unveils the 2025 Wall of Champions, Honoring Filipino MSMEs

2025 MSME Awardees and finalists gather at the SM for MSMEs Wall of Champions, joined …

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Krystall herbal products

42-anyos BPO employee “open secret” paggamit ng Krystall Herbal Products sa kanyang co-workers

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                 Isang magandang …