Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mia Japson

Latest single ni Mia Japson na “April” available na sa YouTube at Spotify

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAY bagong song pala ang talented na bagets na si Mia Japson. Ito’y pinamagatang “April” at siya mismo ang nag-compose ng nasabing kanta.

Nabanggit ng 15-year-old na dalagita ang hinggil sa kanyang latest single na available na sa YouTube at Spotify.

Aniya, “Ang kanta po ay about sa feeling of being with my friend, when I was with him it felt like a breeze of fresh air. I composed the lyrics while the arrangers were from Mixlabs.

“It is currently my second single! I think its been a year since my debut Pintig,” kuwento pa ni Mia na kasalukuyang nagbabakasyon sa Amerika.

Pang ilang composition na niya ito?

Tugon ni Mia, “Marami na rin po akong na-compose, pero hindi ko po alam ‘yung bilang talaga, hahaha! Sana nga po maayos at mailabas ko na po ang iba kong compositions, pero baka po hindi pa sa ngayon.”

Ayon sa kanya, rati na siyang nagsusulat ng songs. “Opo, rati nagfi-freestyle lang po ako noong 12 o 13 po ako sa pagsusulat ng songs.”

Bakit niya naisipang magsulat ng songs? Inspiration niya ba rito sina Miley Cyrus o Taylor Swift?

“Kapag nakikinig po ako sa music, nakikinig po talaga ako sa lyrics at ano ipinaparamdam ng musician sa instrumentong ginagamit niya. Lahat ng artist kapag gumagawa ng musika ay intentional, at may kahulugan.

“Ang mga inspirasyon ko po talaga ay sina Bruno Mars, Frank Sinatra, Ella Fitzgerald, at iba pa at ang mga pelikula kagaya ng La La Land, Tick Tick boom, at Into The Woods.”

Si Mia ay isang incoming senior high Grade 11 student sa National University (NU). Bukod sa pagkanta, kabilang sa kanyang talento ang pagiging composer, dancer, at painter.

Siya ay nag-workshop sa Repertory Philippines, GForce Dance Center, at Voices Studio Company. Siya ay may sariling YT channel din, ang Mia Japson TV. Si Mia ay mina-manage ni katotong Audie See.

Nabanggit ng dalagita na masaya siya sa kanyang journey sa mundo ng showbiz.

Pahayag ni Mia, “My experience as of now has been great, while learning what I have to change and improve… I enjoy and love performing. Meeting amazing people from the industry and seeing how they perform makes me want to be better every time.”

Pero, satisfied ba siya sa takbo ng kanyang showbiz career?

“I could say yes and no? I’m very grateful for my current progress as an artist, but I yearn for more, I don’t want to rush my experience and only focus on a conclusion.

“But I want to build connections and understand music as a whole, parang sabi nga po nila, ‘malayo na pero malayo pa’. I’m not famous or big enough to say that yet, but I hope to see the day that I can.”

Ano ang plans and ano pa ang wish niyang mangyari sa kanyang career?

“There’s so many things I’d love to see and experience, but major parts would definitely be collaborating with artists like Laufey, Grent Perez, Sunkissed Lola, and a lot more. Explore theater more, connecting with acting and music together, and maybe the possibility of performing at Cozy Cove, hehehe,” nakangiting sambit pa niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …