Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jed Madela

Jed Madela superhero sa mga bagong artist

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

FRESH, bumata, at bumagay ang bagong ayos o gupit ng buhok kay Jed Madela nang humarap ito sa Star Magic Spotlight presscon sa Coffee Project Will Tower kamakailan.

Panay nga ang puri namin noong hapong iyon kay Jed dahil nanibago kami sa kanya. Isang taon na rin kasi pala ang huli naming interbyu sa kanya para sa concert niya noong 2024. At ngayong 2025 muli namin siyang nakahutahan para sa kanyang Superhero concert sa July 5 sa Music Museum.

Ani Jed, isang gabing punompuno ng celebration at world-class na performances ang matutunghayan sa konsiyertong ito. Dagdag pa ang muling pagbabahagi ni Jed ng mga nangyari sa kanyang buhay for the past year at pasasalamat na rin sa mga suportang natatanggap niya.

“I learn the songs by heart. And now that we’re doing this full concert talaga, siyempre ‘yung endurance. I try to be more physically fit for the concert… even the production, I oversee everything.

“Normally, I do concerts every July kasi it’s my birthday month. Something I do to give back and to give thanks to the people who have been supportive.

“What makes this year’s different is that every concert is an opportunity for me na magkwento ng mga nangyari for the past year,” anang Kapamilya singer.

Bukod sa birthday concert, mayron din siyang show, ang Birmingham Barrio Fiesta sa July 13 sa Woodgate Valley Country Park. Susundan ito ng kanyang performance sa  Bravo Manila sa August 23 sa The Theatre at Solaire.

Ang Bravo Manila ay isang selebrasyon ng Filipino musical excellence at makakasama niya rito sina Bituin Escalante at  Sofronio Vasquez.

Bukod sa mga concert, isang album mula Star Music  din ang dapat abangan kay Jed na magtatampok ng mga bagong tunog at heartfelt na kanta na tiyak tatatak sa puso ng kanyang mga tagapakinig.

“What’s more important sa akin ngayon is ang laki pala ng impact ko sa tao. Lalong-lalo na sa mga bagong artist ngayon. It’s something I really want to pay forward,” wika pa ni Jed.

Ibinahagi rin ni Jed ang pagkahilig niya sa pagko-kolekta ng laruan. “I’m a toy collector. I’m also an art toy designer. I’m very active in the collectible industry. Kakatapos lang ng Toycon 2025 and I was part of it.

“The latest one that I released was ‘VuDU Boy’, a self character I created in 2009… eventually evolved from a sketch to an actual art toy,” masayang pagbabahagi pa ng singer. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …