MATABIL
ni John Fontanilla
BONGGANG-BONGGA ang isa sa maituturing naming sikat na sikat sa social media na si Reagan Buela o mas kilala bilang si Buraot Kween na nagpapa-prank ng mga celebrities dahil may sarili na itong show sa Euro TV.
Post ng Artista Film Productions, producer ng show nina Buraot Kween at Atty. Randolph:
“Ito nga ang host ng ‘The Highlights’ na napapanood sa Euro TV every Thursday ng 6 to 7 pm, kung saan makakasama nito sina Atty. Ace Randolph V. Jurado.
“Abangan ang season 2 ng THE HIGHLIGHTS ngayong huwebes ng alas 6:00 hanggang 7:00 ng gabi kaya H’wag na H’wag Palalampasin ang kulitan at tawanan na pinangungunahan ng Isang social media influencer na si Buraot Kween at bagong makakasama nito na si Atty. Ace Randolph V. Jurado at Hindi lang yan dahil makakasama din ang mga sikat na content creator sa TikTok na artist ng Artista Film Productions at Dito lamang yan mapapanuod sa Eurotv Philippines 👏👏👏👏”
Bukod sa nasabing TV show, mapapanood din ito sa advocacy film na Ako Si Kindness na pinagbibidahan ng Beauty Queen/actress Marianne Bermundo kasama sina William Thio at Rubi Rubisa direksiyon ni Crisaldo Pablo.
Ambassador din ito ng Variahealth ni Doc. Darwin Ferrolino at Atelier Fashion Studio ni Don Gerald Romualdez Santos.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com