Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
MTRCB Elio Flower Girl Dangerous Animals 28 Years Later

Pelikulang ‘Elio’ at ‘Flower Girl,’ aprubado sa MTRCB

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

INAPRUBAHAN ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pagpapalabas ng apat na pelikulang nakatakdang mapanood sa mga sinehan ngayong linggo.

Kabilang dito ang animated film mula sa Disney at Pixar na “Elio,” na rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang). Ibig sabihin, angkop ito para sa mga bata na edad 13 pababa basta’t may kasamang magulang o nakatatanda.

Tungkol ito pakikipagsapalaran ni Elio, isang batang lalaki na aksidenteng naging kinatawan ng kanyang planeta matapos kunin ng mga alien.

Samantala, dahil sa tema, ang lokal na pelikulang “Flower Girl” na pinagbibidahan nina Sue Ramirez, Martin Del Rosario at Jameson Blake ay rated R-16, na nangangahulugang ito ay para lamang sa mga edad 16 at pataas.

Kuwento ito ni Ena, isang endorser ng sanitary napkin, na nagising na nawawala ang kanyang pagkababae matapos ang isang di-inaasahang engkwentro sa isang mahiwagang diwata.

Nakatanggap din ng R-16 ang mga thriller films na “Dangerous Animals” at “28 Years Later” dahil sa matitinding eksena ng karahasan at katatakutan na maaaring hindi angkop para sa mga batang manonood.

Hinimok naman ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio ang pamilyang Filipino na manood at isaisip ang kahalagahan ng responsableng panonood.

“Inaanyayahan namin ang bawat pamilya na manood sa mga sinehan at maaliw sa mga palabas ngayong linggo, habang isinusulong ang responsableng panonood,” sabi ni Sotto-Antonio.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …