ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
SUMABAK na rin ang BenTria Productions ni Engr. Benjie Austria sa teatro at unang handog nila ang ‘Walong Libong Piso’ ni Direk Dante Balboa.
Tampok sa play ang apat na barakong sina Paolo Gumabao, Jhon Mark Marcia, Drei Arias, at Juan Paolo Calma.
Tiyak na ito ay lilikha ng ingay dahil balitang maraming mapangahas na eksena ang mapapanood dito.
Ayon kay Direk Dante, ito ay pahapyaw na hango sa kanyang life story, bilang former sexy actor sa bakuran ng Seiko Films ni Boss Robbie Tan.
Ang play ay umiikot sa isang karakter, although may misteryosong invisible character dito na tumatawag sa telepono na isang reporter daw (tama ba ito Rodel Fernando?).
Isang malaking challenge sa apat na bida rito ang nasabing play. Ang siste kasi, isang artista lang ang makikita sa stage sa kabuuan ng play. Kumbaga, isa lang ang gagampanang papel nina Paolo, Jhon Mark, Drei, at Juan Paolo at mapapanood sila sa iba’t ibang araw ng pagtatanghal nito.
Tiniyak ni Direk Dante na challenging ang play. “Kasi hindi siya monologue, istorya talaga siya,”
Ayon pa kay direk Dante, isang psychological play ito at mapapaisip ang audience kung sino ang nanloko at sino ang naloko?
“It’s a sexy play. So, may kaunting hubaran. Tungkol siya sa pagpepresyo. Ang second character doon, hindi nakikita. So that’s the reason why one-character play siya. Kasi yung second character, kausap lang sa cellphone. So, naka-receive iyong bida ng call from a stranger. Tapos, nagpresyuhan sila. Nagtawaran… umabot sa walong libong piso.
“Kung bakit walong libo, kasi, eight inches yung kanya. So ibig sabihin… sabi niya, ‘O, sige, one thousand na lang per inch.’ Parang ganoon, that’s why eight thousand dahil eight inches,” sambit pa ni Direk Dante.
Dagdag pa niya, “So, to top it all, ang moral lesson ng story is do not trust too much. Huwag tayong magtiwala basta-basta.”
Ang Walong Libong Piso ay mapapanood mula August 22 to 24 sa CCP Tanghalang Ignacio Gimenez (Black Box Theater).
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com