IDINEKLARA ng Commission on Elections (Comelec) si Cong. Bienvenido “Benny” Abante Jr. bilang nanalong kandidato sa katatapos na May 12 congressional race sa Manila 6th District, matapos ipawalang-bisa ang certificate of candidacy (COC) ng kanyang kalaban sa halalan na si Luis “Joey” Chua Uy.
Sa pinakahuling desisyon ng Comelec 2nd Division, nabatid na idineklara ng Comelec na hindi kandidato o sa katatapos na halalan si Chua Uy dahil void ang kanyang COC at ang lahat ng botong nakuha niya sa eleksiyon ay ikinokonsiderang stray votes.
Nagbigay-daan ito upang si Abante ang maiproklamang panalo sa katatapos na halalan.
“WHEREFORE, premises considered, the Petition is GRANTED. The proclamation for Respondent LUIS ‘JOEY’ CHUA UY is hereby ANNULLED,” desisyon ng poll body.
Nabatid na ginawang basehan ng Comelec ang citizenship ni Chua Uy sa paglalabas ng naturang desisyon.
Ayon sa Comelec, si Chua Uy ay hindi isang natural-born citizen kundi isang ‘naturalized citizen, taliwas sa impormasyong nakasaad sa kanyang COC.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com