Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ralph Dela Paz Outstanding Young Actor of the year

Ralph Dela Paz Outstanding Young Actor of the year

MATABIL
ni John Fontanilla

ISANG malaking karangalan para kay Ralph Dela Paz ang award na natanggap sa katatapos na Asia Pacific Topnotch Men and Women Achievers Award 2025 na ginanap sa Teatrino Promenade Greenhills, San Juan City  kamakailan.

Hinirang itong Outstanding Young Actor of the Year. Ito ang kauna-unahang award na nakuha ni Ralph simula nang pinasok ang pag-aartista.

Ayon kay Ralph, “Isang karangalan po ang mabigyan ng award bilang young actor of the year. Ito ang aking unang award. Isa rin po ito sa pinaka-highlight na achievement ko ngayong 2025.”

Dagdag pa nito, “Gusto ko pong magpasalamat sa Asia Pacific Topnotch Men And Women Achievers at sa lahat ng bumubuo nito.”

Nagpasalamat din ito sa founder nito at director ng advocacy film na Arapaap na si Direk Romm Burlat.

Maraming salamat din po kay  Direk Romm sa oportunidad na maging lead actor at mapasama sa cast ng ‘Arapaap’.” 

Ibinahagi nito ang kanyang award sa Poong Maykapal at sa kanyang pamilya.

Inaalay ko po ang award  ko na ito sa family ko na nakasuporta palagi sa akin at kay God na gumawa sa ating lahat.”

Mapapanood si Ralph sa  Batang Quiapo bilang best friend ni Albie Casino at sa advocacy film na Aking Mga Anak  ng DreamGo Productions.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …