Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sylvia Sanchez Art Atayde

Sylvia ‘di ginamitan ng operasyon ang kaseksihan ngayon

MATABIL
ni John Fontanilla

NAPAASEKSI at batambatang tingnan ang awardwinning actress at Nathan Studios producer na si Sylvia Sanchez nang humarap sa ilang entertainment press para sa mediacon ng  Japanese film na Renoir na kasali sa main competition sa 2025 Cannes Film Festival.

Ang Renoir ay collaboration ng Nathan Studios at Daluyong Studios ni Mr. Alemberg Ang at ng iba pang international producers.

Namangha ang mga imbitadong press sa laki ng ipinayat ng aktres na ipinakita pa kung gaano kaluwang sa kanya ang dati niyang pantalon.

Kuwento nga nito, “For one month, pumayat ako ng 24 lbs. at walang operasyon ‘yun, ha?

“Tanging gamot lang  na ibinigay sa akin ni Dr. Roland Angeles ang nakatulong sa aking pagpayat. 

“Walang side effects sa akin ‘yung gamot, ‘yun lang, mainit ang ulo ko ‘pag gutom, hahaha!” natatawa niyang pahayag.

At ang isang rason nito para magpapayat ay nang malamang nakapasok sa main competition ng Cannes Filmfest 2025 ang Renoir na bilang co-producer y kailangan nga nilang rumampa sa red carpet ng Cannes Film Festival sa France.

Kaya naman bago ang nasabing event ay pumayat si Sylvia at marami nga ang nagulat at humanga sa kaseksihan nito.

Back to Renoir, maraming imbitasyon na ang natatanggap ng movie at ibabahagi ito ni Sylvia kapag okey na ang lahat at bukod sa ipalalabas ito sa ibang bansa ay mapapanood din ito sa Pilipinas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …