Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Njel de Mesa Sanya Lopez Hot Maria Clara

Kanta ni Direk Nijel de Mesa na “Hot Maria Clara” para kay Sanya Lopez, number 1 sa music charts!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MARAMING nakakikilala kay Direk Nijel de Mesa bilang isang award-winning na director, kaya naman nagulat ang marami na ang isa sa pinakamainit na kanta ngayon sa internet, radyo, at telebisyon ay ang kanyang “Hot Maria Clara”.

Pagkalipas ng tatlong taon, bigla na lang nag-number one sa mga music charts ng Spotify ang “Hot Maria Clara” (kasama ng “Dungka” ng SB19, “Don’t Say You Love Me” ni Jin ng BTS, at “Multo” ng Cup of Joe) na isinulat niya para kay Sanya Lopez at GMA Music.

Pahayag ni Direk Nijel, “Lubos ang pasasalamat ko kay Ms. Annette Gozon-Valdes at Ms. Tracy Garcia ng Sparkle for making this collaboration happen, three years ago.

“Pati rin siyempre si boss Rene, sir Kedy, Paulo, at Ma’m Michelle ng GMA Music. Ito ang patunay na talagang good things come to those who wait,” aniya pa.

Marami na rin napasikat na kanta si Direk Nijel katulad ng “Missed You” ni Sam Concepcion, “Itigil Mo Na” ni Bianca Umali, at “Sadly Falling” ni Hannah Precillas.

Ngunit nang tanungin kung bakit “Hot Maria Clara” ang paksang napili niya para kay Sanya, sinabi ni Direk Nijel na swak at bagay na bagay ang Kapuso actress para sa kantang nilikha niya.

Aniya, “Si Sanya kasi embodies the modern Filipina, bagaman sexy ay hindi nangahuhulugang malaswa.

“Iyong tipong strength of character and independence ang sexy sa kanya, hindi lang ‘yung panlabas na kaanyuan. She’s fit and when she’s acting onscreen, she has gravitas.”

Sa pangyayaring ito, mukhang umiinit ulit ang karera ni Direk Nijel de Mesa sa music industry. Matagal din siyang nagsilbi bilang Board Member ng FILSCAP at naging punong organizer ng mga Independent Musicians sa Filipinas – bago nag-crossover sa pagiging isang award-winning filmmaker.

Patok na patok din kasi ngayon ang kanyang nationalistic single na “Mahalin Natin Ang Pilipinas” na madalas niyang awitin sa mga live events na lagi siyang nabibigyan ng standing ovation ng madla.

Nang tanungin namin kung ano ang mas matimbang sa kanya, music o film, ang sagot niya’y, “Parehong mahalaga sa akin, pero ang Diyos ang nagsasabi kung saan ako kailangan.

“Salamat sa Diyos sa tagumpay na ito. Salamat sa mga mahal ko sa buhay na sumuporta, sa NDMstudios, kay Ms. Jan, sa aking pamilya, at sa aking butihing Ina,” masayang sambit ni Direk Nijel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Net Kanda Lea Salonga

Thai singer/actress napaiyak nang makita si Lea

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang maiyak ng Thai singer/ actress na si Net Kanda nang makita at …

D GRIND Presentsm D PURPOSE 2026 MANILA

D’GRIND Presents…D’ PURPOSE 2026 MANILA

MATABILni John Fontanilla MULING magkakaroon ng dance workshop at recital ang nangungunang dance group sa …

Emma Tiglao

Emma Tiglao sinabihang ‘makapal ang mukha,’ management ng resto nag-sorry

MATABILni John Fontanilla NABASTOS daw si 2025 Miss Grand International Emma Tiglao ng isang waiter na tinawag siya …

Mama Emma Janna Chu Chu

Mama Emma, Jana Chu Chu wagi sa Dangal ng Pinas 2026!

MATABILni John Fontanilla PASASALAMAT ang gustong iparating ng Barangay LSFM 97.1 DJ na si Mama Emma sa pamunuan ng Dangal …

 Joel Lamangan All About Her

Direk Joel sa pagdidirehe ni Coco—May mata siya, marunong mag-position ng camera

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISA sa magagaling na direktor si Joel Lamangan kaya naurirat namin ito ukol …