Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Chiz Escudero Howard Calleja

Escudero winawasak demokrasya at ang batas
IMPEACHMENT COMPLAINT ‘DI DAPAT IBALIK SA HOUSE NG SENATOR-JUDGES — CALLEJA

061425 Hataw Frontpage

TAHASANG sinabi ni Atty. Howie Calleja na si Senate President Francis “Chiz” Escudero ay nanunuya sa kanyang paglabag sa batas at nanganganib na masira ang demokratikong institusyon sa pagsisikap na ‘iligtas’ si Vice President  Sara Duterte sa paglilitis at tila nais itago sa publiko kung paano niya ninakaw ang pondo ng bayan.

Tinukoy ni Calleja na mula noong 5 Pebrero, nang isumite ang reklamo sa Senado hanggang sa kasalukuyan ay tila naghahanap ng paraan si Escudero  para hindi managot si Sara sa daan-daang milyong pisong pera ng bayan na maaaring nasa kanyang bank account sa Bank of Philippine Islands.

Ipinunto ni Calleja na noong Martes, nang sa wakas ay magpulong ang Senado, matapos ang mahigit apat-na-buwan pagkaantala, sa kabila ng mandato ng konstitusyon para sa ‘agarang paglilitis’ ay pinahintulutan ni Escudero ang mga senador na pinaniniwalaang makiling kay Duterte na ibalik ang reklamo sa Kamara at tanungin ang mga miyembro ng papasok na 20th Congress kung handa silang litisin si Sara.

“Senator-judges are not allowed to do that. They must only listen to the evidence and vote whether to convict or acquit. When Sen. Bato moved for the return of the complaint to the House and even its dismissal, he was openly protecting Sara from trial,” tahasang pahayag ni Calleja.

Naniniwala si Calleja na batid ni Escudero na nasa delikadong kalagayan siya alinsunod sa batas dahil ang impeachment court ay hindi maaaring mag-remand ng kaso sa Kamara, o mag-utos ng pagbabalik. 

Binigyang-diin ni Calleja, ang reklamo ay nasa senado, may presumption ‘yan ng legality at may precedent na ruling na ganyan noong impeachment trial ni Corona.

“When it was resolved to ask the House under the 20th Congress if it would try Sara, that was illegal, let alone inane and impossible since how can the 20th  Congress reply now when it is not yet in existence?” dagdag niya.

Pakiramdam ni Calleja, marahil dahil sa lumalaking opinyon ng publiko laban sa sitwasyon na walang paglilitis, at marahil dahil nalilito na siya sa kagulohan noong sesyon noong Martes kaya’t pinayagan ang pagpapadala ng subpoena kay Duterte para ipaliwanag ang kanyang panig, ito ang dahilan kaya awtomatikong nakakuha ng hurisdiksiyon ang impeachment court sa kaso.

“Taranta na si Chiz. Sa rami ng banat sa kanya and the many statements from various key sectors opposing his pro-Sara and no-trial stance, he had to save his political skin and at the same time protect Sara. Naipit siya,” pagwawakas ni Calleja. (HATAW News Team)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

SM MSMEs Wall of Champions

SM Supermalls Unveils the 2025 Wall of Champions, Honoring Filipino MSMEs

2025 MSME Awardees and finalists gather at the SM for MSMEs Wall of Champions, joined …

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Krystall herbal products

42-anyos BPO employee “open secret” paggamit ng Krystall Herbal Products sa kanyang co-workers

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                 Isang magandang …