Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Formula 5

Kirby, Kier, Shone, Oliver, at Frank Lloyd ng Formula 5, nagpakitang gilas bilang bagong boy group

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG Formula 5 ay isang bagong boy group na binubuo nina Kirby Bas, Kier, Shone Ejusa, Oliver Agustin, at Frank Lloyd Mamaril na siya ring nagbuo ng grupo at tumatayong manager nito.

Napanood namin ang show nila sa Viva Cafe at masasabi naming na-entertain kami nang husto sa husay ng grupo. Kumbaga, puwedeng sabihin na nagpakitang gilas sila sa naturang show upang ipamalas ang kanilang husay, both individually and as a group.

Nagpakilala sila isa-isa sa ilang member ng press na kanilang nakahuntahan.

“Ako po si Oliver Agustin, ako raw ang pinakamakulit, I’m a singer-songwriter po. Lahat po kami ay solo artist, pero kapag kami ay magkakasama, we call ourselves Formula 5,” nakangiting wika niya.

“My name is Kirby Bas and I came form Mindanao. I work sa Papa-Palooza, other than singing, I play the violin and I do hosting din po.”

“Ako po si Frank Lloyd Mamaril, I’m a concert, TV, and events director. Sabi nga nila, sa umaga iyon ang ginagawa ko, kapag may gigs iyon. I’m now a recording artist also.”

“Hello po, ako naman si Shone Ejusa, originally from Negros Occidental, I’m a multi-live streamer, so, nagla-live stream po ako for like 10 years na po. Also, I’m a recording artist.”

“Hello po, ako po si Kier, I’m originally form Zambales. Im a singer-songwriter and mahilig po akong kumain, hahaha!  Also, ako rin po ang gumawa ng mga songs nila, tig-iisa po.”

Walang question na ang grupong ito ay pare-parehong may maipagmamalaking talento sa musika.

Nagkuwento si Frank Lloyd kung paano sila nabuo, na halos walong buwan na rin bilang isang grupo.

Aniya, “In-audition ko sila and each one of them, iba-iba talaga iyong tunog nila. Isama ko na rin ang sarili ko, since kaka-launch ko lang iyong single ko. Successful naman, sobrang nakakatuwa, kasi iba-iba rin talaga iyong tunog. Tapos ay nagbe-blend talaga kami well, together.

“Ang tinitignan ko lang talaga is yung character, yung interesting stories (nila)…, of course aside sa talent. Kasi, talented talaga ang mga Pinoy, e, pero kaunti lang talaga ang may magandang istorya to tell.”

Hinanap niya raw ang perfect mix para sa kanilang grupo. Kasama rito ang, “The perfect mix is basically character and siyempre iyong musicality, of course the story, and iyong looks na rin, isama na natin iyon,” nakangiting pahayag pa niya.

Sa ilang buwan na magkakasama sila, ano ang na-discover nila sa isa’t isa?

Esplika ni Frank Lloyd , “You know what, me as their manager, I’ve learned so much about these boys. Iba-iba kasi talaga ang ugali ng bawat isa, e. So, kailangan kong i-balance iyon.

“Ang itinuturo ko sa kanila is, kailangang pagtrabahuhan natin ang gusto nating maabot.”

Tulad ng normal na boy group, nagkakatampuhan din daw ang grupo, pero naaayos nila ito sa magandang usapan.

Paano niya ide-describe ang grupo?

Wika ni Frank Lloyd, “Ang Formula 5 is the perfect… parang ano na, perfect formula to success para sa akin. Iba-iba ang formula nila e, so, kaya ko ito tinawag na Formula 5.

“Aside from…. sabi kasi nila, we sound like the whole formula… Ngayon, Formula 5 stands for a different formulas, each one of us. But when we’re together, we blend together.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …