Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Impeachment trial vs VP Sara ongoing, alive & kicking — Risa

061325 Hataw Frontpage

HATAW News Team

HINDI ‘dead on arrival’ kundi nanatiling buhay, ongoing, alive and kicking ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Hontiveros, sa ngayon ay nasa sitwasyon ng “deferrals” at klaripikasyon ang trial pero buhay pa rin ito at sumisipa.

“Right now we’re in a situation of deferrals and clarifications… At least ongoing na, alive and kicking ‘yung impeachment trial kahit naging pahirapan ‘yung pagsisimula nitong linggo,” ani Hontiveros sa panayam ng ANC Headstart.

Nauna nang sinabi ni Hontiveros na dapat itinuloy na lamang ang trial imbes hiningan pa ng klaripikasyon ang House of Representatives dahil maaari namang matanong ang mga House prosecutors tungkol dito.

“Kung ang layunin lamang ay mag-certify ang House na hindi nila na-violate ‘yung one-year rule dahil daw tatlo o apat na impeachment complaint ang ini-refer, kung ang layunin lamang ay sabihin ng 20th Congress, which is hello, doesn’t exist yet now, na willing and able sila ituloy ‘yung impeachment, napakadaling gawin ‘yun sa pamamagitan halimbawa ng House prosecutors,” ani Hontiveros.

Ang orihinal aniyang plano ay babasahin na ang articles of impeachment base sa inaprobahang mosyon noong nakaraang Lunes.

Tiniyak ni Hontiveros na tuloy ang kanilang laban hanggang sa 20th Congress kung kailan inaasahan na magpapatuloy na ang trial.

“Ang ugali ko, ang ugali namin, ituloy ang laban para sa hustisya. For one, kahit doon sa approved motion nila, conceded na magko-crossover itong impeachment mula sa 19th Congress hanggang sa 20th Congress,” ani Hontiveros.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …