Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Noli de Castro Charo Santos DZMM Radyo Patrol 630 MMK sa DZMM

Kabayan Noli at Charo balik-himpapawid sa DZMM Radyo Patrol  630

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAGBABALIK sa AM radio ang DZMM Radyo Patrol 630 sa pamamagitan ng 24/7 programming lineup na sabayang napakikinggan at napapanood sa DZMM Teleradyo sa pay TV at online simula Hunyo 2.

Kasabay ng pagbabalik ang muling pagdinig sa dalawang pinakatanyag na tinig sa radyo sa Pilipinas—sina Noli de Castro at Charo Santos.

Ang Kabayan, ang flagship public affairs program ng beteranong mamamahayag na si Ka Noli, na mapakikinggan sa bagong timeslot tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10:00-11:00 a.m.. Samantala, muling magbabalik ang radio adaptation ng tanyag na  MMK, ang MMK sa DZMM, tuwing weekdays mula 12:30-1:00 p.m..

Ipinahayag ni Media Serbisyo Production Corporation president, Marah Faner-Capuyan ang kasabikan sa pagbabalik ng DZMM sa himpapawid. 

Aniya, “Tayo ay natutuwa dahil ang isa sa mga pinagkakatiwalaang AM radio station sa Metro Manila ay magbabalik na.”

Wika naman ni Ms Charo, “We are bringing back a legacy of service, information, and entertainment. Nasa puso na ‘yan ng bawat Kapamilya.”

Unang makakasama ng mga tsuper sa paggising ng 4:00 a.m. ang pambungad na programang Radyo Patrol Balita Alas Kwatro, kasama sina Robert Mano at Steve Raz, na susundan naman ng Ronda Pasada, mula 5:00-6:00 a.m., kasama si Johnson Manabat, hatid ang traffic at weather updates.

Gigising naman sa bayan si Alvin Elchico sa Gising Pilipinas, mula 6:00-7:00 a.m., at sa sumunod na oras, makakasama niya si Doris Bigornia sa Radyo Patrol 630 Balita.  Balik tambalan naman sina Doris at Robert mula 8:00-9:00 a.m. sa Tandem ng Bayan

Hindi rin pahuhuli sina Peter Musñgi at Rica Lazo sa Balitapatan, mula 9:00- 10:00 a.m., na susundan ng pagbabalik ng isa sa pinaka-inaabangang programang  Kabayan ni Kabayang Noli. Si Niña Corpuznaman, kasama si Migs Bustos, ang makakasama sa Nagseserbisyo Niña Corpuz mula 11:00-12:00 nn..

Tuloy-tuloy ang balitaan mula 12:00nn-12:30 p.m. sa Headline Ngayon kasama sina Jeff Hernaez at Rica Lazo. Magsisilbing panghimagas naman sa pananghalian ang mga kwento ng inspirasyon at pag-asa hatid ni Charo sa MMK sa DZMM. 

Usapang batas ang hatid ng Hello Attorney kada 1:00 p.m. kasama sina Atty. Noel Del Prado at Lyza Aquino at usapang kalusugan ang hatid ng Aksyon Ngayon tuwing 2:00 p.m. kasama sina tita Winnie Cordero at Doc Denis. Susundan naman ito ng true-to-life at lifestyle stories sa Ako ‘To, Si Tyang Amy kasama si tyang Amy Perez tuwing 3:00 p.m..

Tampok naman ang mga maiinit na balita sa hapon at usapin sa bayan mula 4:00 p.m.-4:30 p.m. sa Headline sa Hapon, kasama si Tony Velasquez, at ATM: Ano’ng Take Mo? mula 4:30 p.m.-5:30 p.m..

Sa magkaparehong oras na 5:30-6:30 p.m., tampok sa Isyu Spotted ang mga maiinit na usapin sa bayan, kasama sina Tony at Karmina Constantino, na mapapanood sa DZMM Teleradyo, at tampok naman sa Arangkada Balita ang mga nagbabagang balita ng oras, kasama sina Niña at Jeck Batallones, sa DZMM Radyo Patrol 630.

Mapakikinggan at mapapanood naman tuwing 6:30-8:00 p.m. ang pinakamalalaking balita ng araw sa TV Patrol sa DZMM sa pagsasanib-puwersa ng primetime flagship newscast ng ABS-CBN.

Tuloy-tuloy naman ang kwentuhan sa pagsapit ng 8:00 p.m. sa Spot Report nina Jeff Caparas at Marlene PadiernosAlam na This tuwing 9:00 p.m. kasama sina Papa Ahwel at DJ Jhai Ho; at ang Love Konek tuwing 10:00 p.m.-12:00 mn. Sa mga puyat at night shift, si Dan Capucion ang makakasama sa pagsapit ng hatinggabi sa  Remember Your Music para sa classic hit songs.

Napakikinggan ang DZMM Radyo Patrol 630 sa 630 kHz AM band, at napapanood ang DZMM Teleradyo sa Sky Cable at halos 170 pang cable providers nationwide, TFC, iWant, satellite TV, at online sa official Facebook, at YouTube pages nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …