SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
NAGBABALIK si Ed Sheeran sa pamamagitan ng bagong awitin, ang Sapphire. Ang awiting ito bale ang kasunod ng hedonistic, technicolor pop na Azizam at ng classic, heartfelt nostalgia na Old Phone.
Ang Sapphire ni Ed ay isang maliwanag na pagdiriwang ng walang hanggang pag-ibig. Tatmpok ang mapang-akit na vocal, masalimuot na South-Asian percussion, na may back-up vocals ng maalamat na Indian artist, si Arijit Singh. Lumilikha rin ang kanta ng isang natatanging tapestry na naghahayag ng unibersal na wika ng pag-ibig. Kaya naman tiyak na ang mga tagapakinig ay madadala sa isang sonic journey intimate at malawak, na likha ng mga talento sa produksiyon na sina Ilya Salmanzadeh, Johnny McDaid, at Savan Kotecha.
Ani Ed Sheeran, “Sapphire was the first song I finished for Play that made me know where the album was heading. It’s why I finished the recording process in Goa surrounded by some of the best musicians in India. It was an incredible creative process. I shot the music video with Liam and Nic across my India tour earlier this year, we wanted to showcase the beauty and breadth of the country and its culture.
“The final jigsaw piece for me was getting Arijit on the record. It was a journey to get there and such an amazing day of music and family. Me and him have done a full Punjabi version of the song that will come out in the next few weeks, which has a lot more of him on it. This is the album version of the song, and my favourite song on the album. Hope you guys love it.“
Ang video ng Sapphire ay idinirehe ni Liam Pethick, na nagtatampok kay Arijit Singh at may cameo role ang aktor na si Shah Rukh Khan. Ipinakita rito si Ed habang nagtatanghal isang madaling araw sa rooftop, pagkatapos ay lumipat sa isang makulay na paglalakbay sa iba’t ibang lokasyon. Mula sa rooftop patungo sa matahimik na beach, tabing-ilog, mataong pamilihan, mga lokal na kusina at mga backlot sa Bollywood. Kabilang sa mga highlight ang pakikipagkita kay Arijit para sa isang studio session at pagsakay sa motorsiklo sa paligid ng kanyang bayan, kasama ang pagbisita sa A.R. Rahman music school, na gumaganap siya kasama ng mga lokal na musikero.
Maglalabas din si Ed ng kanyang bagong album, ang Play sa Setyembre 2025 pagkatapos niyang isara ang kabanata sa kanyang Mathematics series.
Inanunsiyo rin ni Ed ang tatlong live show niya sa Portman Road, Ipswich na na-sold-out kaagad. Ito ay magaganap sa Hulyo 11, na nagtatampok sa mga espesyal niyang panauhin na sina Myles Smith at Tori Kelly.
Sa Hulyo 12 sa guest naman niya sina Busted at Dylan at sa Hulyo 13 sina James Blunt at Maisie Peters. Ang mga ito ay nakatakdang maganap sa iconic home ground ng Ipswich Town FC. Ang tatlong gabing stint ay minarkahan ang unang UK headline na palabas mula noong 2023.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com