Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Problema dinadaanan, ‘di tinatambayan 

I-FLEX
ni Jun Nardo

ANO ba naman itong mga kabataang artista na ito? Ibinu-broadcast pa sa kani-kanilang channel ang umano’y final message nila.

Take the case of isang aktor na nagkaroon na rin ng pangalan. May himig ng pamamalam na tila hindi kinakaya ang problema na tila may kinalaman sa pera, huh.

Hindi mo tuloy malaman kung for real ba ito or for the content. Siyempre, kapag ganyang mensahe, maraming Marites ang gustong manood at bakit siya may menasaheng pamamalaam?

Sinasabi na ganyan daw ang mga kabataan ngayon. Mahihina ang loob pagdating sa problema.

Naku, maging matapang kayo at sabi nga, ang problema, dinadaanan lang. Hindi tinatambayan.

Yes, some netizens say it is alarming at kailangang tulungan. Pero sa amin, it is also disturbing, huh.

Naku, kung gustong putulin ang buhay na bigay ng Diyos, magmukbang kayo ng isang buong pritong manok gaya ng inilabas sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

For the content and money na hindi naman pala totoo, pati buto ng manok, nilantakan. Hayun, naospital, bumara ang buto sa lalamunan at kalaunan eh namatay.

At least, busog nang mamatay at hindi walang laman ang tiyan.

Magpakatatag kayo! Life is not a bed of roses but at least, magpasalamat sa Diyos na buhay!

Sabi ng yumaong si Freddie Aguilar sa isang kanta niya, “Tawanan ninyo ang problema!!!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, aprub anim na banyagang pelikula

APROBADO sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang anim na pelikulang ipalalabas …

Alex Castro Sunshine Garcia

Bulacan VG Alex Castro nagpasalamat sa suporta ng fans sa SexBomb, nakatutok pa rin sa problema sa Prime Water

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Bulacan Vice Governor Alex Castro sa binigyan ng …