
HATAW News Team
MATAPOS tanggalin bilang miyebro ng National Unity Party, inamin ni House Deputy Speaker at Cebu Rep Duke Frasco na ang kanyang desisyon na hindi pirmahan ang manifesto of support para kay House Speaker Martin Romualdez ay resulta ng kanyang konsultasyon sa local leaders mula sa Visayas at Mindanao na hindi na pabor sa paraan ng pamumuno sa Kamara.
“In recent weeks, I have spoken with my colleagues in Congress, local leaders—especially from the Visayas and Mindanao—and most importantly, with my own constituents. A shared frustration has emerged. There is deep disappointment that the unity our people once hoped for has been steadily undermined by political and personal interests,” pahayag ni Frasco.
Ayon kay Frasco, maraming local leaders ang desmayado sa sobrang pamomolitika sa loob ng Kamara na nagdudulot ng pagkawatak-watak.
Tinukoy nito ang galawan sa Kamara na dalawang araw pa lamang mula nang matapos ang May 12 elections ay pinapipirma na sa isang manifesto of support ang mga incoming congressmen.
Ang hindi pagpirma ni Frasco sa manifesto ang dahilan ng pagpapatalsik sa kanya sa NUP.
Una nang sinabi ni NUP President at Camarines Sur Rep. Lray Villafuerte, ang posisyon ng partido ay suportahan si Romualdez na manatili sa puwesto bilang Speaker sa ilalim ng 20th Congress.
Ngunit naniniwala si Frasco na kailangan tingnan muna ang direksiyon ng liderato sa Kamara sa harap ng mababang resulta ng 2025 midterm election para sa administration senatorial lineup.
“The President has consistently called for unity, stability, and a government that delivers meaningful change. I firmly believe that the House of Representatives should reflect these values, not only through the laws we pass, but also in the leadership that we uphold,” giit ni Frasco na isang Deputy Speaker sa Kamara.
Samanatala, itinuturing ng ilang political observers na ‘red flag’ ang pagdistansiya ni Frasco sa House leadership dahil nangangahulugan ito na mayroon nang lamat sa pamumuno ni Romualdez.
Naniniwala ang mga analyst na may ‘backing’ ng political bloc sa Kamara ang galaw ni Frasco lalo at galing ito sa political powerhouse sa Cebu City.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com