Monday , January 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nadine Lustre AquaFlask-Be Pawsitive Run

Nadine muling tatakbo para sa mga pusa at aso

MATABIL
ni John Fontanilla

MULA sa pagmamahal sa kalikasan, ang pagmamahal naman sa mga hayop lalo sa aso’t pusa sa Isla ng Siargao ang pinagkakaabalahan ni Nadine Lustre.

Kaya naman sa June 8 ay muling tatakbo si Nadine kasama ang boyfriend na si Christophe Bariou.

Hinihikayat nga ni Nadine ang kanyang mga tagahanga at mga kaibigan na sumuporta at lumahok para makalikom ng sapat na pondo na gagamitin sa pag-spay at pag-neuter sa mga aso. Ito ‘yung surgical removal ng reproductive organ ng mga aso at pusa sa isla.

Nangako naman ang mga follower at mga kaibigan ni Nadine na full support sila sa adhikain ng aktres at sasamahan siyang tumakbo sa Siargao.

Last year ay tumakbo sina Nadine at Christophe na umabot ng 300 runners ang sumali sa kanilang kaparehong fun run at nakapag-spay at neuter sila ng 200 hayop.

Umaasa nga si Nadine, organizers ng worthwhile event na dodoble at mas marami ang makikilahok sa kanila ngayong taon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …