SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
HINDI ikinaila ni Seth Fedelin na gusto rin niya o nila ni Francine Diaz na maabot o maranasan ang tagumpay ng KathNiel o nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Pero hindi nangangahulugan na sila na ang next KathNiel.
Sa story conference ng pelikulang pagsasamahan nilang muli ni Francine, ang She Who Must Not Be Named ng Ohh Aye Productions Inc., nilinaw ni Seth na hindi sila ang next KathNiel kundi ang first FranSeth. Ibig sabihin gumagawa sila ng sarili nilang pangalan.
“Kami ang unang FranSeth eh. Sina Kuya Daniel at Ate Kathryn maituturing naming isa sa toptier loveteam sa Pilipinas lalo sa panahon namin, sa generationn namin,” sabi ni Seth na ginagampanana ng karakter ni James Montefalco, isang notorious playboy na laging nakalilimutan ang mga ex hindi dahil isa siyang jerk kundi mayroon siyang dyslexia.
“Lagi namin sinasabi na gusto rin namin na maranasan o maabot iyong tagumpay na nagkaroon sila,” sambit pa ni Seth. “Gusto rin naming maranasan iyong naranasan nilang tagumpay nila pero hindi para sumabay sa agos nila, may agos din kami,” giit pa ng aktor.
Aminado rin si Deth na sobra-sobra ang paghanga niya sa KathNiel. “Sobrang ina-idolize at hinahangaan namin ang KathNiel. Kapag tinitingnan namin ang tandem nila, hindi lang KathNiel marami pong loveteam, lahat ng narating nila, na-experience nilang tagumpay gusto rin naming maranasan,” wika pa ng gwapong aktor.
Nang tanungin naman ang FranSeth kung ano ang kaibigan ng kanilang loveteam, sinabi ni Francine na, “Organic. Hindi nagpapanggap. Matagal na rin kaming magkaibigan ni Seth, I think malaking tulong din iyong friendship na mayroon kami. And para po sa akin iyon ang kaibahan namin sa ibang loveteam. Marami namang magkakaibigan na loveteam, pero sa dami ng pinagdaanan ng friendship namin on a different level talaga.”
Sinabi pa ni Francine na gumaganap na mystery girl sa She Who Must Not Be Named na malalim na rin ang kanilang pagkakaibigan. “I think nasa 10 on a scale of 1-10, kasi may mga kapag may napagdadaanan kami, kinukuwentuhan ko siya ganoon din siya sa akin. Nagtutulungan din kami, it’s more on may napagsasandalan.”
Sa kabilang banda, may pakiusap si Seth sa netizen,panoorin ang kanilang pelikula.
“Panoorin n’yo po, matagal na itong proyektong ito, mangyayari na. Sana bigyan ninyo ng pagkakataon uli kami at ang aming buong team na hayaang kalimutan muna sandali ang realidad at mapuno ng imahinasyo at mapuno ng pagmamahal ang mga puso natin kasi karamihan sa atin hindi lang natin napapansin eh nami-miss natin ang ganoon. Ang pelikulang ito ay magaan, may aral, may makukuhang aral leksiyon at pamilya rin. Mata-tackle rin ang ukol sa pamilya kaya abangan natin ang pelikulang ito.”
At para naman kay Francine, karapat-dapat panoorin ang pelikulang nila dahil, “It’s because ito na ang panahon niya, ito na ang panahon namin para maibahagi rin sa inyo ang istorya at nakatutuwa rin sa lahat ng project na naibibigay sa atin hindi nawawala ang pamilya. ‘Yun ang para sa akin pinaka-puso sa bawat proyektong ginagawa namin which I think iyon ang power niya.
“Hindi kami lang o iyong chemistry namin kundi iyong buong cast namin iyong pagmamahal ng bawat isa. I think it’s more of that, hindi lang siya basta romantic-comedy movie kung kapag sa panahon na naipalabas ito sobrang puno ng pagmamahal, nakatatawa, which is another reason is first time rin naming mag-romcom and we want to share this journey with everyone.”
Kasama sa pelikula sina Elija Alejo,Bobby Andrews, Ruby Ruiz, Bernadette Alysson-Estrada, Kych Minemoto, Kaleb One. Hatid ng Ohh Aye Productions Inc. sa panulat ni Lawrence Nicodemus at mula sa direksiyon ni Christopher Novabos. Mapapanood ito soon sa mga sinehan nationwide.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com