Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cecille Bravo

Cecille Bravo ‘di naiwasang sumabak sa pag-arte

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI na nga naiwasan pang sumabak sa pag-arte ang celebrity businesswoman and philanthropist na si Cecille Bravo, dahil pagkatapos mapanood sa pelikulang Co-Love, muli itong mapapanood sa advocacy film na Aking  Mga Anak ng DreamGo Productions at sa direksiyon ni Jun Miguel.

Gagampanan nito ang role na si Aling Asaph, masungit pero may ginintuang puso na may mga pinarerentahang bahay at maraming inaalagan at pinag-aaral na bata.

Kuwento ni Ms Cecille, very challenging ‘yung role na ginagampanan niya sa Aking Mga Anak.

“Very challenging ‘yung role ko sa movie, masungit ako riro, pero bago matapos ‘yung  movie may twist at ‘yun ang dapat abangan ng mga manonood,” wika ni Ma Cecille.

Dagdag nito, “Noong ginawa ko ‘yung movie na ‘Co-Love’ sabi ko okey na ‘yun nasubukan ko na ‘yung umarte sa pelikula, at natuwa naman ako kasi marami ang pumuri sa acting ko sa movie.”

Pero pagkatapos ipalabas ay nagsunod- sunod ang movier offer nito.

“After ‘Co-Love’ may mga nag-offer sa akin to do another film, pero ‘di ko tinatanggap.

“Pero nang i-offer sa akin ‘yung ‘Aking Mga Anak’ at nabasa ko ‘yung script at ‘yung role na gagampanan ko napa-oo ako. Kasi ang ganda ng story ng movie at very challenging ‘yung role ko, at maganda ‘yung message ng movie na gusto iparating sa pamilyang Filipino. 

Hopefully maraming Filipino ang makapanood dahil maganda talaga ‘yung movie at may mga aral na matututunan.”

Makakasama ni Ms Cecille sa pelikula sina Hiro Magalona, Natasha Ledesma, Ralph Dela Paz, Prince Villanueva, Sarah Javier, Klinton Start, Jace Salada, Toni Co, Art Halili Jr., Madisen Go, Candice Ayesha, Andrea Go atbp., sa panulat at direksiyon ni Miguel na siya ring direktor ng awardwinning children show na Talents Academy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …