Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cecille Bravo Klinton Start Aking Mga Anak

Cecille Bravo at Klinton Start, tampok sa advocacy film na “Aking Mga Anak”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAPAPANOOD sa isang advocacy movie sina Cecille Bravo at Klinton Start. Pinamagatang “Aking Mga Anak”, nagsimula na ang shooting nito kamakailan. Ito ay hatid ng DreamGo Productions at mula sa pamamahala ni Direk Jun Miguel.

Sa aming panayam kay Klinton na kilala rin bilang Supremo ng Dance Floor, nagkuwento siya ukol sa kanilang pelikula.

Aniya, “Nag-shooting na po kami sa Laguna. Ang balita po sa amin, this year din ay ipapalabas ang movie na ito.

“Parang more on… ipinapakita rito sa movie ‘yung value ng isang pamilya po. Kasi ano po kami roon, mayroon kaming parang nanay – si Aling Asap na marami po siyang ampon. So, marami po siyang inaalagaan.”

Pagpapatuloy pa ni Klinton, “Ang role ko po rito, isa ako sa ampon na ang pangalan ko ay si Joseph, tapos ay may kapatid ako, si Kuya Solomon. Actually, marami po kaming ‘magkakapatid’ sa pelikula and ang nanay po namin  ay si Aling Asap, which is si Tita Cecille po iyon.”

Alam ba niya kung bakit sa kanilang pelikula ay nag-aampon ng mga bata si Aling Asap, na ginagampanan ni Ms. Cecille?

Tugon ni Klinton, “Hindi ko pa po alam, hindi pa kasi naano sa amin nang husto iyong story ng movie. Pero base po sa nakita kong script, more on iba-ibang klase siya ng tao. Nagpapautang po kasi siya, so, galit na galit siya sa mga hindi nagbabayad. Pero pagdating naman po sa mga apo niya, mabait po siya, sobrang maalaga po siya.”

Kumustang katrabaho si Ms. Cecille?

Esplika niya, “Actually po tito, sobrang… for a first timer sa ganoong drama, sobrang okay po. Kasi ay talagang ramdam n’yo po, kumbaga ay hindi siya scripted kung mag-acting, e.

“So sa shooting po namin ay hindi kami natagalan, mabilis lang po kaming natapos, like few hours sa isang buong scene. Kasi ang haba po talaga ng script namin… parang umaabot kami ng four to five pages. Pero natapos naman po namin agad.”

Sa panig naman ni Ms. Cecille, sa pagkakaalam namin ay second movie na niya ito. Una namin siyang napanood sa pelikulang “Co-Love” na isa sa entry sa nagdaang Puregold CinePanalo Film Festival.

Isa rin si Ms. Cecille sa producers ng pelikulang “Faney” (The Fan), thru her Intele Builders. Kasama niya rito ang Frontrow International nina RS Francisco at Sam Versoza, Noble Wolf, at AQ Films ni Atty. Aldwin Alegre.

Anyway, inusisa namin kung siya ba ang nasa title role sa pelikulang Aking Mga Anak?

Tugon niya sa amin, “Hindi po, iyong limang bata ang bida po roon at sa kanila umiikot ‘yung story. Ako po bit part lang sa movie, pero I love it.”

Pinuri rin niya ang co-star niya rito na si Klinton. “Klinton is so natural, he comes always prepared at magaling po siya,” pakli ni Ms. Cecille.

Ano ang masasabi niya sa kanilang pelikula?

“Ito ay pampamilya at educational na movie po. Proud ako sa film na ito sa aking part as one of the artists. So thankful for the opportunity given to me.

“My over all experience is so memorable and one for the books. I am thankful that they were willing to re-shoot to accommodate me.

“I wish I did justice to the role. I really felt challenged and I had to give it my best, because everyone did their best. Super ‘nerbiyos’ po ako,” sambit ng mabait na lady boss ng Intele Builders and Development Corporation.

Dagdag ni Ms. Cecille, “Actually po, mabait ang producer who choose not to be named. Direk Jun Miguel and the whole production team are the best, very commendable. All my co-artists are equally professional and truly lovable.”

Tampok din sa pelikula sina Hiro Magalona, Ralph Dela Paz, Patani Dano, Natasha Ledesma, at ang mga bibidang bata rito na sina Jace Fierre Salada, Madisen Go, Candice Ayesha, at Nicole Almeer.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …