Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jayda Zaragoza Avanzado Viva

Jayda Avanzado Viva artist na 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAPAKASUWERTE ni Jayda, anak nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza dahil in full force ang Viva family nang ilunsad ito bilang pinakabagong contract artist nila. Present sa contract signing si Boss Vic del Rosario kasama ang mga anak na sina Vincent  Veronique at Val, pati ang apong si Verb.

Matagal na rin kasing gustong maging contract artist ni Boss Vic si Jayda na nakita na niya noong siyam na taong gulang pa kasama ang mga magulang.

Sa pagpirma ni Jayda sa Viva handa na ito sa bagong yugto ng kanyang showbiz journey. Ang nakatutuwa pa, sanib-puwersa ang Viva Records at Universal Music Group (UMG) Philippines para sa isang recording at publishing deal para sa dalaga.

Bukod pa ang isang co-management contract sa VAA (Viva Artists Agency) para naman sa mga proyekto sa pelikula, serye, at mga brand deal.

Noong Martes, May 27, pormal na ipinakilala ang dalaga bilang bagong contract star ng VAA na ginanap sa Viva Cafe, Araneta City, Cubao, Quezon City.

Tunay na dumadaloy ang talento sa dugo ng young singer-actress bilang anak ng “Original Prince of Pop” na si Dingdong at ng “Phenomenal Diva” na si Jessa. 

Tanong 2017 nang ilunsad ni Jayda ang kanyang showbiz  career. At mula noon, nagsimula na siyang makipagtrabaho sa ilang brands, nakapag-release ng kanyang debut EP na In My Room (June, 2018), naging regular sa ASAP at matagumpay na nagtanghal ng kanyang kauna-unahang digital solo concert na Jayda In Concert

Kasunod ng milestone na ito, naglabas si Jayda ng ilang songs mula 2021 hanggang 2024, gaya ng No Way But Up, na nagsilbing opisyal na soundtrack para sa TV series na Teen Clash, ang palabas na nagsimula ng kanyang karera sa pag-arte.

Dagdag pa rito ang Right Lover, Wrong Time, na isinulat niya kasama ang kanyang tatay na si Dingdong. At nong 2023, pumirma rin si Jayda sa Republic Records Philippines, isang subsidiary ng UMG Philippines.

Ang pagmamahal ni Jayda sa musika ay nagbunga ng mga parangal sa kanyang young career, kabilang dito ang award for Best Female Recording Artist sa 32nd Awit Awards noong 2019, at Female Pop Artist of the Year sa 13th PMPC Star Awards for Music noong 2022 para sa kanta niyang Sana Tayo Na. 

Ngayon, sa kanyang pagpasok sa patuloy na lumalaking roster ng VAA at pagkuha ng recording contract sa Viva Records, handa na si Jayda na ipamalas pa lalo ang kanyang husay sa musika at pag-arte—at lalo pang pagtibayin ang kanyang pangalan bilang isa sa mga pinaka-aabangang batang artista ng kanyang henerasyon.

Chika ni Jayda sa pagiging ka-VIVA, “Kung alam n’yo lang guys, long time in the making ito — ever since, as far as I was nine years old, and now I’m turning 22.

“You know, the circumstances finally aligned, and this deal has been months in the making. Sobrang excited lang ako and I’m also excited to introduce myself,” aniya.

Sa tanong kung bakit siya lumipat sa VAA, “Siyempre, lalayo pa ba tayo? Of course, ‘yung field of expertise nila in both music and acting.

“I think I’m at a point din in my career where I’ve been so privileged to work with so many amazing people. And for this to finally come together siyempre dito sa Viva, I am really excited to learn. It’s just really exciting,” sambit ng dalaga.

Sa mga project na gagawin niya sa Viva, sinabi ni Jayda na, “I can’t reveal too much pero talagang excited po ako sa mga adaptations po. Yung mga young adult series, mga Wattpad adaptations.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …