Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
OPM Con 2025 Puregold

OPM Con 2025 ng Puregold paano at saan makakukuha ng tiket?

PAPARATING na ang pinakakaabangang kaganapan ng taon sa larangan ng musika, ang OPM Con 2025 ng Puregold, na magsasama-sama ng pinakamalalaking mga pangalan sa industriya: SB19, BINI, Flow G, Skusta Clee, KAIA, G22, Sunkissed Lola, at iba pa.

Sa napakaraming tagapagtangkilik–dito at sa ibang bansa–na nais makadalo sa OPM Con 2025,nagbahagi ng pagkasabik ang Puregold senior marketing manager na si Ivy Hayagan Piedad. “Ang panalo concert ay dalawang bagay: isang dekalidad na palabas na maaaring i-enjoy ng mga mamimili sa abot-kayang mga presyo, at pagkakataon din ng mga artista na ibahagi ang kanilang pagmamahal sa mga fan.”

Bilang tugon sa grabeng pagtangkilik sa OPM Con 2025, higit 50 sangay ng Puregold sa buong bansa ang magbubukas ng kanilang mga pinto sa Mayo 30 para sa mga mamimili na nais mapanood ang pinaka-inaabangang pagsasama-sama ng mga musikerong Pinoy.

Mas pinadali na rin ng Puregold ang pagbili ng tiket para sa mga miyembro ng Aling Puring at Perks card. Narito ang mga hakbang para makatanggap ng libreng tiket sa OPM Con 2025, kailangang magkaroon ng minimum single receipt na may halagang katumbas ng uri ng tiket. Ang mga sumusunod ang halaga na mabili at ang katumbas na tiket ng bawat isa:

VIP Standing with Sound Check (PHP 7,500)

Premium Patron (PHP 6,000)

Regular Patron (PHP 5,000)

Lower Box Premium (PHP 4,500)

Lower Box Regular (PHP 3,500)

Upper Box (PHP 2,500)

General Admission (PHP 1,500)

Mabilis lamang ang hakbang para makakuha ng tiket. Una, pagdating ng Puregold, kumuha ng queueing number ng nais mong ticket type. Ikalawa, bumili ng grocery na katumbas ng halaga ng iyong napiling tiket. Para sa Patron Regular/Premium at Lower Box Regular/Premium na tiket, tatanggapin ang mga P-wallet cash-in receipt.

Sunod, ipakita ang Aling Puring o Perks Card, queuing numberNext, i-present ang Aling Puring o Perks card, queueing number, at resibo sa Enlistment at Confirmation booth na ilalagay ang transaction number. Tandaan, itago ang resibo o kuhanan ito ng litrato dahil ang transaction number ang eksklusibong code na kakailanganin para ma-redeem ang tiket sa Ticketnet Online website.

Tanging mga miyembrong nakapangalan sa Aling Puring o Perks cards lamang ang maaaring makakuha ng kanilang libreng ticket sa pamamagitan ng Ticketnet Online mula Hunyo 9 hanggang Hunyo 22, 2025. Kaya’t kailangang tiyakin ng mga miyembro na may account sila sa Ticketnet website.

Tandaan ng mga miyembro na maaari lamang silang makakuha ng isang ticket kada transaksiyon. Maaaring makakuha ng maximum na dalawang (2) Patron Regular/Premium tickets o apat (4) na Lower Box Premium/Regular, Upper Box, o General Admission tickets ang bawat miyembro. Kapag lumagpas sa dalawang kwalipikadong transaksiyon ang isang miyembro, tanging ang dalawang transaksiyong may pinakamataas na halaga lamang ang kikilalanin.

Para sa mga edad 18 pataas na kukuha ng ticket para sa mga menor de edad, tandaan na kailangang samahan ng isang adult ticket holder ang bata sa araw ng konsiyerto. Kinakailangan ding mag-fill out ng waiver sa pagpasok sa Philippine Arena. Ang minimum age na pinapayagan sa VIP soundcheck section ay 10 taong gulang, habang sa ibang sections, papayagan ang batang 4 taong gulang pataas.

May suwerte rin ang mga may EastWest Bank credit card! Ang mga cardholder na may good standingay maaaring makibahagi sa advanced pre-selling sa mga piling Puregold branches sa Mayo 28. Matapos nito, maaari na nilang kunin ang kanilang ticket sa Ticketnet Online mula Hunyo 6 hanggang Hunyo 8, 2025.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …