Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
isang komedya sa langit

“Isang Komedya sa Langit” showing na ngayon sa mga sinehan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAPAPANOOD na simula ngayon (May 28, Wednesday) sa inyong mga paboritong sinehan ang pelikulang “Isang Komedya sa Langit” (A Comedy in Heaven).

Ang istorya nito ay ukol sa tatlong pari na galing sa year 1872, na nang nagkaroon ng eclipse ay nag-time travel sa present time.

Tampok dito ang acclaimed actor na si Jaime Fabregas sa papel na Father Emanuel Garcia. Co-stars sa pelikula sina EA Guzman as Father Juan Borromeo, Gene bilang si Father Javier Salas, John Medina as Father Paolo Pascual, at Aki Blanco as Brother Marco. May special appearance dito si Carmi Martin, sa papel na Lola Naty.

Directed by Roi Calilong and written by Rossana Hwang, makikita sa pelikula ang joy of lighthearted storytelling and the power of connection. Isa itong kakaibang drama-comedy na aantig sa mga manonood.

Ayon sa lady boss ng naturang movie company na si Ms. Rossana, concept niya ito at nagdesisyon siyang gawin ang pelikula dahil naniniwala siya sa proyekto. Ang pelikula ay inspired by Ms. Rossana’s book, “The Lost Saints”.

Sa advance screening nito ay full support ang pamilya at mga kaibigan ni Ms. Rosanna kaya nagpasalamat siya sa lahat ng nagpunta at sumuporta sa kanyang movie. Nabanggit din niya rito na, “Ang Tunay na pagbabago ay magsisimula sa bawat Filipino.”

Ang Isang Komedya sa Langit ay rated GP, kaya sinisiguro nito ang isang family-friendly experience sa lahat ng viewers of all ages. (30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …