Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gina Alajar Nora Aunor

Direk Gina ginawan ng tula si Nora

MATABIL
ni John Fontanilla

ISANG napakagandang tula ang ginawa ng award winning actress at director na si Gina Alajar.

Bago nagsimula ang pagpapalabas ng movie ay binasa muna ni Direk Gina ang tula, na naglalaman ng pinagsama-samang iconic films ng nag-iisang Superstar at National Artist, Nora Aunor.

Hindi naiwasang mamangha at maging emosyonal ang mga Norranian sa napakagandang tulang ginawa ni Direk Gina, kaya naman umani ito ng malakas na palakpakan.

Sa tula, inilarawan ni Direk Gina si Ate Guy bilang, “Isa siyang alagad ng katotohanan, tapang, at giting. 

“Isang tagapagsalaysay ng ating kuwento. Sa kanya, tayo ay naging totoo. 

“Tahimik na ngayon ngunit hindi siya nawala sapagkat ang kanyang liwanag sa langit ay sumiklab.

“Hindi siya nagpaalam, at naging bahagi ng ating alaala.”

Ginagampanan ni direk Gina ang character ni Babette na anak ni Lola Bona sa pelikulang Faney, isang tribute movie para kay Nora.

Ang Faney ay tungkol  sa pagiging diehard Noranian ni  Milagros/ Lola Bona na ginagampanan ni Direk Laurice Guillen na hanggang kamatayan ni Ate Guy ay nanatiling solid Noranian.

Kasama rin sa movie sina Althea Ablan bilang Beatrice/Bea, Roderick Paulate bilang Pacita M,

Bembol Roco bilang Edgar, Ian De Leon as himself, Perla Bautista as Lola Flor, Angeli Bayani as Daughter of Lola Cely, Bianca Tan as Amy, at ang grupong Bilib.

Hatid ng  Frontrow Entertainment, AQ Films, Noble Wolf &  Intele Builders and Development Corporation ni Ms Cecille and Pete Bravo ang pelikulang Faney at idinirehe ni Adolf Alix Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …