Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jen Boles Tres Chic Luxury Original

Tres Chic ni Doc Jen Boles nagbibigay trabaho sa mga artista

NAPAKA-POSITIBO ng outlook sa buhay ng aktres, businesswoman na si Doc. Jhen Boles ang CEO & Presidente ng Tres Chic Luxury Original.

Ayaw niya ng nagatibo sa buhay, bagamat parte na raw ‘yun ng buhay ng tao pero depende na lang kung papano iha-handle.

Hindi mo naman kasi maiiwasan na maka-encounter ng mga negatibong tao, like ako may mga taong pinagkatiwalaan. Noong una mabait pero noong tumagal lolokohin ka, iisipin mo ba na may naiambag sila sa negosyo mo, ‘di lang para sa akin kung hindi para sa pamilya ko at sa mga taong puwede kong tulungan. 

“Pero ako ‘di ako nagja-judge ng tao, hindi porke’t naloko ka, ganoon na rin ang tingin mo sa iba.

May iba nga riyan na natulungan mo pero ‘pag alis gagayahin pa ‘yung negosyo mo.

“Gusto ko maging matagumpay sa negosyo ‘di lang para sa akin kung hindi para sa pamilya ko at para maraming taong matulungan.

Gusto ko lang masaya, minsan nga walang benta ganoon talaga, pero alam ko naman na sa susunod magkakaroon,” anito.

Noong midterm elections ay naglabas ito ng ilang milyon para suportahan ang mga politikong alam niyang maganda ang motibo sa pagtakbo at makikinabang ang mga Filipino ‘pag nanalo ang mga ito.

At marami rin itong charities na ginagawa para makatulong sa mga kababayang Filipino na nangangailan ng tulong.

Nagbibigay din ito ng trabaho at extra income sa ibang mga artista na nagla-live selling sa kanyang Tres Chic Luxury Original na nagbebenta online ng mga 2nd hand branded bags. Ilan nga dito sina Ms. Dexter Doria, Patani Dan̈o, Rainier Castillo, Toni Co, Asher Diaz atbp..

Dito sa Tres Chic walang pressure, makabenta ka o hindi okey lang may TF ka pa rin, pero alam naman nila na kapag walang benta maliit lang ang TF, pero atleast mayroon.

“Dito naman kasi ‘di ka magugutom kapag nagla -live streaming ka kasi maraming food, para lahat busog,” sabi pa ni Doc Jhen.

At kahit nga kami ay sobrang nabusog sa dami ng pagkain nang minsang dumalaw kami sa live selling at talagang nag-enjoy kami ng sobra.

At sa katatapos na 10th Southeast Asia Achievement Awards 2025 na ginanap sa Grand Opera Hotel and Casino ay pinarangalan ito bilang Most Outstanding Businesswoman and Humanitarian Leader. (John Fontanilla)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …