Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ariel Daluraya

PGT Ariel Daluraya puspusan ang pagsasanay

MATABIL
ni John Fontanilla

SOBRANG saya ng singer  na si Ariel Daluraya dahil nakakuha ito ng four yess mula sa hurado ng Pilipinas Got Talent na sina Donny Pangilinan, Kathryn Bernardo, Eugene Domingo, at Freddie Garcia.

Ayon nga kay Ariel, “Sobrang saya po niyong naka-4 Yesses ako. Hindi ko po inakala, pero sobrang grateful po ako na napahanga  ko ang judges na sina Donny (Pangilinan, Eugene (Domingo), Kathryn (Bernardo), FMG sa talent na ipinakita ko.”

Bata pa si Ariel ay mahilig nang kumanta at nang marinig siya ng tatay niya ay ito mismo ang nag-push na umawit siya.

Six years old po ako nang  magsimulang kumanta, nakitaan po ako ng tatay ko ng potential sa pagkanta.

“Si tatay po ang nag-push sa akin para kumanta. Naaalala ko noon isinasali niya na ako sa mga amateur singing contest sa barangay namin.

Masuwerte ako kasi may tatay akong sobrang supportive at nakatutok sa pagkanta ko. Isa siya sa inspirasyon ko para mas galingan pa ang pagkanta at maging successful bilang singer,” wika ni Ariel.

Ilansa idolo ni Ariel sina Regine Velasquez, Sarah Geronimo, Celine Dion, at Lea Salonga.

Pare-parehong mahuhusay na singers and performers.

Sana makasama ko sila sa mga show at maka-duet in the near future,” sabi pa.

Nagpapasalamat din si Ariel sa kanyang manager na si Otek Lopez na sumuporta sa kanya.

Nagpapasalamat din ako sa aking  manager na si Otek Lopez na gumagabay at tumutulong sa akin sa laban ko sa ‘PGT.’

“Naalala ko noong nalaman po namin na pasok ako sa ‘PGT,’ puspusan po talaga ang preparation namin. We seek help sa vocal coach na si Mark Joshua Fabic Morales at doon niya po itinuro ang techniques para maging perfect ang aking performance.

“At ngayong nalalapit na semi finals ay puspusan ang aking pagpa-practice para makausad pa sa next round patungong grand finals, sa tulong na rin ng Diyos,” giit pa ni Ariel.

Patuloy na lalaban si Ariel at mas gagalingan para maabot ang kanyang pangarap na maging ultimate winner ng PGT 2025 at maging sikat na singer.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …