Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Moulin Rouge The Musicale

Moulin Rouge: The Musicale pasabog sa Rampa grand reopening

MULI na namang ile-level-up ng Rampa Drag Club ang landscape ng LGBTQ+ nightlife ng bansa sa opisyal na paglipat nito sa mas malaki at mas bonggang location sa gitna ng Tomas Morato, Quezon City.

Mula nang mag-grand opening ito noong unang quarter ng 2024, walang tigil ang Rampa sa commitment nito na bigyan ang community ng isang safe at open space para sa self-expression.

Sa pagsasanib-puwersa ng mga Philippine LGBTQ+ icons at allies gaya nina RS Francisco, Cecille Bravo, Ice Seguerra, Boy Abunda, at ang Divine Divas na sina Precious Paula Nicole, Brigiding, at Vinas Deluxe, walang puknat ang Rampa sa pagbibigay ng sunod-sunod na parties na ang mensahe ay ang pagkakaisa at selebrasyon ng creative freedom na ang pabolosang mundo ng drag ang nagbubuklod sa over-the-top fun ng venue.

Ngayon, with much hard work and dedication, kilala na ang Rampa bilang tahanan ng mga bagong sibol na drag artists na kilala bilang Rampa Reynas, kasama ang kanilang homegrown dancers, ang Rampa Movers. Ang nakai-inspire na talento ng artists ng Rampa ay umani ng papuri ‘di lamang ng komunidad at ng Philippine press ngunit pati na rin ng international news organizations gaya ng The New York Times pati ng mga international celebrities gaya ni Lady Gaga na napansin ang performance ni Precious Paula Nicole sa kanyang smash hit dance single na Abracadabra.

At tuloy-tuloy ang party sa grand reopening ng Rampa ngayong Mayo 24, na inaabangan na dahil ito na marahil ang pinaka-mainit na LGBTQ+ party sa Manila ngayong Mayo!

Pinamagatang Moulin Rouge: The Musicale, tampok sa event sina Popstar Bench, Khianna, Angel,at Zymba Ding kasama ang mga Rampa Reynas na sina Katana, Kiari, Khiendra, Kieffy Nicole, Neenja, Asha Sole, Eliza, Abigail, Mz. Chronicles, Budalyn, Tiffany, at Eyyygatha, kasama ang Rampa Movers at may special guest appearances pa ng Divine Divas at iba pang surprise guests.

Magsisimula ang party sa red carpet nito ng 11:00 p.m. at susundan ng pre-show papunta sa main show hanggang sa second set nito na Coachella 2025, at ang after party.

We are so grateful for the overwhelming support from the community and our allies,” sabi ni RS Francisco. “Rampa is the fulfilment of our vision to create a space that will allow creative expression and freedom to be one’s self. The art of drag has entered the mainstream – nasa TV, pelikula, at live stage na ang mga drag artists. Hopeful po akong makita kung saan patungo ang community. And one thing is for sure, the parties in Rampa will definitely continue.”

Sa mala-higante nitong 630 sqm floor area, mas malaki at mas komportable na ang Rampa para sa lumalaking demand ng LGBTQ+ para sa quality leisure venues – kaya naman secured ang posisyon nito bilang isang lider sa Manila queer nightlife.

Para sa inquiries at reservations kontakin ang +639178820623. Para naman sa karagdagang impormasyon at exciting updates, sundan ang @rampaclub sa Instagram at @rampaclub sa TikTok; at sundan at i-like ang Rampa Club sa Facebook.

Ang bagong Rampa Drag Club ay matatagpuan sa 27-B Tomas Morato Avenue Extension, Barangay South Triangle, Diliman, Quezon City.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Net Kanda Lea Salonga

Thai singer/actress napaiyak nang makita si Lea

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang maiyak ng Thai singer/ actress na si Net Kanda nang makita at …

D GRIND Presentsm D PURPOSE 2026 MANILA

D’GRIND Presents…D’ PURPOSE 2026 MANILA

MATABILni John Fontanilla MULING magkakaroon ng dance workshop at recital ang nangungunang dance group sa …

Emma Tiglao

Emma Tiglao sinabihang ‘makapal ang mukha,’ management ng resto nag-sorry

MATABILni John Fontanilla NABASTOS daw si 2025 Miss Grand International Emma Tiglao ng isang waiter na tinawag siya …

Mama Emma Janna Chu Chu

Mama Emma, Jana Chu Chu wagi sa Dangal ng Pinas 2026!

MATABILni John Fontanilla PASASALAMAT ang gustong iparating ng Barangay LSFM 97.1 DJ na si Mama Emma sa pamunuan ng Dangal …

 Joel Lamangan All About Her

Direk Joel sa pagdidirehe ni Coco—May mata siya, marunong mag-position ng camera

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISA sa magagaling na direktor si Joel Lamangan kaya naurirat namin ito ukol …