Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jojo Mendrez Willie Revillame

‘Libre Na ‘To ni Jojo Mendrez patok na patok, iniintrigang ayaw mag-ala Willie Revillame?

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PATOK na patok na ngayon at pinag-uusapan nang marami ang Libre Na ‘To ni Jojo Mendrez.

Bale ang siste pala nito, kapag nasakto si Jojo sa isang restaurant, grocery, department store, fast food, palengke, sinehan, o kaya naman ay sa isang kainan, siya na MISMO ang magbabayad dito at sisigaw ng Libre Na ‘To.

So, makikita natin na talagang may mabuting puso at sadyang matulungin ang tinaguriang ‘Revival King’ na si Jojo.

Actually, hindi kami magtataka kung ang mga netizens na makatiyempong mag-video sa Libre Na ‘To ni Jojo ay malamang na mag-viral ang kanilang mga post sa social media.

Usong-uso na kasi ngayon ang tila pagiging vlogger ng maraming netizens at kapag na-video-han nila ang pagmamagandang loob ni Jojo at malagay sa socmed, tiyak na viral ito agad dahil maraming madlang pipol ang gustong makapanood ng ganitong mga feel good na deeds.

May mga nagsa-suggest nga kay Jojo na puwede niya itong gawing TV show. Actually, magandang konsepto ito at siguradong lalong marami ang makikinabang at matutulungan si Jojo, kapag nagkataon.

Good news naman, dahil ayon sa nasagap naming balita ay pinag-iisipang mabuti ng singer ang pag-push sa bagay na ito.

Kaya lang may mga marites at intrigera na ikinokompara sina Jojo at Willie Revillame. Na kesyo hindi raw mag-aala-Willie si Jojo sa pagtulong sa mga nagangailangan dahil bukal talaga sa loob ng singer ang pagtulong sa kapwa. 

Banat kasi ng ilang nangba-bash kay Willie, na mahilig daw itong manumbat kung ano man ang naitulong niya.

Na taliwas naman daw ito sa pagiging likas na matulungin ni Jojo.

Pero sa totoo lang, hindi na dapat nilang intrigahin pa ang Libre Na ‘To ni Jojo dahil maganda talaga ang layunin nito at tiyak na marami ang makaa-appreciate nito kapag nakatikim ang sino mang masuwerteng makatiyempo ng biyayang ito.

Anyway, kahit abala sa kanyang mga pagkakawanggawa, may panahon pa rin siyempre si Jojo sa pagpo-promote ng kanta niyang “Nandito Lang Ako” na halos nasa 20 million na ang views sa kanyang mga social media accounts.

Malapit na rin mapakinggan ang version niya ng “I Love You Boy” na unang pinasikat ni Timmy Cruz at hindi kami magtataka kung maging milyones din ang views nito sa social media, kapag nailabas na.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …