Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
David Licauco

 I Think I Love You ni David Licauco mabilis na minahal ng fans

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

GUMAGAWA na rin ngayon ng pangalan si David Licauco sa mundo ng musika. Isa na rin siyang recording artist matapos pumirma sa Universal Records. Kaya naman hindi lang sa pag-arte o in demand bilang endorser si David isa na rin siyang singer.

Ini-release na ng Universal Records ang awitin niyang I Think I Love You na isinulat nina Luke April Isnani at Ivo Impreso.

Ang I Think I Love You ay isang mapang-akit at upbeat na awitin na tungkol sa pang-unawa na nagkakaroon ka ng matinding emosyon para sa isang tao — isang bagay na maaaring maka-relate ang maraming tao. 

Noong Mayo 15, ilang minuto bago ang pagri-release ng kanyang single, nag-live si David sa kanyang TikTok account para sa isang solong salubong habang siya ay nasa Lujo Bar sa Poblacion. Sa pagsapit ng hatinggabi, nagdiwang siya kasama ang kanyang mga tagahanga online at nagulat siya nang biglang tumugtog ang DJ sa Lujo ng I Think I Love You.

Bago pa man maipalabas ang kanta, na-feature na ito sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.Pumasok si David sa Bahay ni Kuya bilang Houseguest at matapos ibahagi kay Kuya kung tungkol saan ang kanyang kanta, sinabi kay David na hahatiin ang Housemates sa dalawang grupo — Team Kapamilya at Team Kapuso — at naatasang gumawa ng dance choreography para sa kanyang kanta.

Pinangunahan ni Will Ashley ang Team Kapuso, para sa paggawa ng choreography at formations para sa kanilang grupo. Pinangunahan naman ni Esnyr ang Team Kapamilya. Nabatid ni Esnyr na ang kaniyang mga ka_grupo ay hindi masyado hilig o magaling magsayaw, kaya nag-focus sila sa paghahatid ng isang masaya at malikhaing numero na inspirasyon ng mga pagtatanghal sa high school at mga presentasyon ng Christmas party.

Sa huli, pinili ni David ang Team Kapamilya  at pinupuri ng aktor ang synchronize ng mga ito at pinag-isipang mabuti ang ginawa. Ginantimpalaan sila ni David ng lollipop, bagay na ikinatuwa ng mga Kasambahay. 

Ang I Think I Love You ay kasalukuyang nakakukuha ng maraming likes at pinusuan online. Sa araw ng paglabas nito, naging number 5 agad sa listahan ng mga nangungunang kanta ng iTunes Philippines, kaya ito ang tanging OPM na kanta na nakapasok sa top 5.

Sa TikTok, maraming tagasuporta ang gumagamit ng audio para sa mga pag-edit na gawa ng fan ni David at ng kanyang onscreen partner na si Barbie Forteza. Marami na rin ang sumasayaw nito at gumawa ng sarili nilang choreography kabilang ang TikToker na si Miko Yanson, na sikat sa paggawa ng mga dance choreo para sa maraming trending na kanta online.

Ang pagpapalabas ni David ng I Think I Love You ay isang bagay na hindi inaasahan ng maraming tao, ngunit tiyak malaking sorpresa para sa kanyang mga tagahanga. 

Ibinahagi ni David nang mag-guest ito sa PBB na, “I really just wanted to try everything — sa showbiz, sa buhay. One of those is releasing a song, ‘yun na nga po ‘yung ‘I Think I Love You’ — para po sa mga taong may gusto pero ‘di pa niya masabi.”

Sa magandang pagtanggap sa I Think I Love You, hindi na kataka-taka na masundan pa ito  ni David.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …