ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
TIYAK na marami na ang nag-aabang sa first kissing scene ni Zaijian Jaranilla na mapapanood sa Puregold digital series na “Si Sol at Si Luna”. Ito ay pinagbibidahan nila ni Jane Oineza.
Si Jane ang katukaan ni Zaijian dito. Si Zaijian na nakilala noon bilang child actor at batang si Santino sa seryeng “May Bukas Pa” ay sumabak na nga sa matured role.
Sa ginanap na mediacon ng seryeng ito sa World Trade Center kasabay ng Puregold’s Tindahan ni Aling Puring and Sari-Sari Store Convention 2025, ipinakita ang trailer nito at marami ang nagulat at kinilig, at the same time.
Bahagi ng trailer nito ay makikita sina Zaijian at Jane na nasa kuwarto, tapos ay naghubad sila pareho ng kanilang suot na pang-itaas, sumunod ay ginawa na nga nila ang pinag-uusapang very torrid kissing scene.
Ang nasabing nakakikiliting eksena nina Zaijian at Jane ay gumawa nang kakaibang ingay. Tinatawag ito ng iba na mukbang, dahil mistulang pinapak nga nang todo ni Zaijian si Jane sa naturang eksena.
Nakatutuwa ang ilang comments ng netizens tulad nito:
hinigop ni bro pati kaluluwa
Literal na higoooop pati laway walang takas
Bro patawarin nyo po si santino may ginawang kasalanan
Grabe ka zaijan wag ubusin lahat May Bukas Pa
Lagot ka Kay bro ang bad Mo na, minus 1m kana Nyan Sa taas
Parang di bagay.. di ako sanay na may ganyan ka santino
Bro, bumigay na talaga si Santino, kaya patawad po
Ang ganda at galing ah Nakakakilig sila he he!
makakatikim na rin si santino ng luto ng dios
Ayon naman kay Zaijian, magkahalo ang naramdaman niyang emosyon sa naturang eksena. Aminado ang Kapamilya actor na kinabahan siya sa ‘mainit’ na eksena nila ni Jane.
“Gusto ko lang pong malaman kung na-warning-an po ba ninyo ang mga bata ninyong kasama para panoorin itong trailer?” pabirong panimula ni Zaijian.
Aniya pa, “Iyon, sobrang halo ‘yung emosyon na naramdaman ko, sobrang proud at masaya na may kaba… masaya kasi parang first time ko nga siyang ipapakita rin sa mga tao na kaya ko rin gumawa nang ganoon. And sobrang malaking step iyon para sa akin, hindi ko rin (siya) ginawa dahil may ganoon lang. Nakita rin naman natin na sobrang ganda ng materyal, ng istorya. Kaya feeling ko ay worth it (siyang) gawin.”
Pahabol ni Zaijian, “Iyong kaba naman, parang… sa akin ay hindi ko alam kung ano ang reception ng tao sa akin kapag napanood nila iyon. Pero mas nanaig pa rin ang pagka-proud dahil alam kong ibinigay ko rin iyong best ko at nakagawa kami ng sobrang isang magandang series, kasama itong castmates natin.”
Sinabi ni Jane na isa ito sa project na inaasam niya.
Pahayag ng aktres, “Hindi ko lang alam kung nagulat kayo, pero gusto ko lang magpasalamat sa lahat at sana ay mapanood n’yo (siya) kapag nagsimula na (siya) sa Puregold Channel.”
Pagpapatuloy ni Jane, “Anong reaksiyon (ko)? Halo-halo kasi sobrang isa ito sa mga mina-manifest ko na project at feeling ko ay nag-align ang timing ng universe at ng araw at buwan at nagawa ang project na ito.
“Kaya masaya ako na naging parte ako niyon at excited ako dahil mapapanood n’yo na rin at mapapanood ko na rin. So, excited na akong mag-start (siya).”
Although mukhang totoy pa, si Zaijian ay 23 year old na at aminadong nagka-GF na.
Nang usisain nga kung ang nabanggit na eksena ay na-experience na niya in real life, ito ang deretsahan niyang sagot: “Siguro ang masasabi ko po ay marunong po akong humalik, iyon lang po,” nakangiting pakli ni Zaijian.
Ang “Si Sol at Si Luna” ay isang 13-episode digital series ukol sa 18-year-old college student na si Sol (Zaijian) at ng 30-year-old woman na si Luna (Jane), na ipinagluluksa ang pagpanaw ng kanyang fiancé (Vaughn Piczon).
Ipinahayag ng writer-director nito na si Dolly Dulu, na hindi ‘May-December’ love affair ang serye kundi ‘May-September’ dahil 12 years lang ang difference ng edad nina Sol at Luna.
Tampok din sa pinakaaabangang serye sina Joao Constancia, Uzziel Delamide, Vaughn Piczon, Lyle Viray, Jem Manicad, Marnie Lapus, Atasha Franco, at iba pa.
Ang pilot episode ng Si Sol at si Luna ay mapapanood sa Puregold Channel sa YouTube simula sa May 31. Ito ay sa ilalim ng Chris Cahilig Production.
Para sa mas maraming updates, mag-subscribe sa Puregold Channel on YouTube, like @puregold.shopping on Facebook, follow @puregold_ph on Instagram and X, and @puregoldph on TikTok.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com